Chapter 31

11 2 0
                                    

Chapter 31

Mabilis lamang lumipas ang araw dahil kinabukasan ay final exam na. Shet na yan! Anong isasagot ko doon? Kabado bente, par

"Sila na ba?" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang bumulong sa tainga ko si Sol. Sinamaan ko siya ng tingin.

May inginuso siya sa akin, sinundan ko iyon at Nakita na si Blaux iyon, nag-iba ang ekspresyon ko nang ilipat ang tingin sa katabi niya. Si Jenelle.

"Palaging magkasama eh. Sila ba?"

I shrugged. "Aba'y kamalayan ko" iniwan ko siya at naglakad na lang papuntang room, kabanas sa cafeteria.

"Ikaw bestfriend di mo alam?"

"Wala naman ako pakialam sa love life niya" umirap ako. Simula ata nung mahuli ko silang nagkikiss ay lagi na silang magkasama.

Sinungaling din iyang si Blaux

Baka nga sila na..

Nakakairita siyempre pero ano ba magagawa ko at sino ba naman ako? Desisyon niya iyan dapat wala akong say

Malisosya siyang ngumiti sa akin. "Tunay ba yan?"

"Lubayan mo ako" nanlalambot kong sabi, ayaw ko na talagang pag-usapan iyan dahil naistress lang ako. Masyado nang mabigat para sa akin isipin ang final exam.

Ramdam kong nakatitig siya sa akin, nag-angat siya ng kamay ng sulyapan ko siya, masama ang tingin. "Hindi ako tibo. Tinitingnan ko lang kung nagseselos ka" humagalpak siya ng tawa.

Hinila ko tuloy ang short hair niya sa pagkapikon

"Punyeta naman. Wag ang buhok ko!"

Walang naging klase maghapon, sayang ang pagpasok ko ngayon! Magaling pa ay umabsent ako ngayon tapos sa Bahay na lang nagrev.

"Hindi ka ulit sasabay kay Blaux?" pagtatanong ni Sol.

"Ewan. Baka may prac ulit sila, malapit na ang contest" bored kong sabi.

"Grabe naman yun, di man lang ibigay ngayon yung time para makapag-rev sila"

Hindi na ako nagsalita dahil wala ko sa mood

"Kleyn," tinawag ako ni Blaux.

"O? Wala kang prac" umiling siya at kinuha ang bag ko.

Tumango siya kina Sol, "Mauna na kami" paalam ni Sol bago ko pa man siya mapilit na sumabay sa amin.

"Bakit wala kang practice ngayon?" I asked him as we walk

Pilit kong iniignora ang kumakalat na pait sa sistema, kung hindi nga lang selfish baka iniwasan ko na siya but I value our friendship so much kaya titiisin ko.

... pero ang hirap pala

"We have test tomorrow"

Natapos na ang usapan pagkatapos non dahil wala na akong masabi pa

"Your silent.." puna niya nung makapasok na kami sa kaniyang kotse

Tumawa ako Kahit walang nakakatawa. "Bukas na ang exam, overthink Malala" pagdadahilan ko.

"You will pass for sure" he smiled at me.

I pouted and remain looking at him. "Blaux..."

"Hmm?" his eyes remained focus on the road.

"Are you seeing someone now?" nagulat ako na naitanong ko iyon sa kaniya. Wala na sana kong balak alamin pa but I guess I was so bother that I needed his answer.

If he said yes, i will have to distance myself from him. Not because i was jealous but because i respect their relationship.

His brow furrowed. "Hindi,"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon