Chapter 29

8 2 0
                                    

Chapter 29

Tawang tawa ako sa kalokohan naming dalawa ni Blaux. I mean, ako lang. Kinukulit ko kasi siya

"Say cheese" inangat ko ang aking cam para makapag papic kami pero siya naman ay suplado lang akong inilagan.

"Kj mo!"

At dahil doon mas lalo ko siyang pinicturan. Dinig ko pa din ang music as a background, dapat naman talaga ay sasabay kami sa kanta but since natetempt akong asarin si Blaux ay eto na nga.

"Stop that, Kleyn" at ayun na nga mukhang iritado na nga si Kuya Blaux.

Hindi ako nakinig sa kaniya at tinuloy ang pag pic. Tinigil niya kotse sa gilid at problemado akong tiningnan.

Ngumisi ako at pinagtitingnan ang nakuhang pictures. Ang ganda lahat ng kuha sa kaniya, partida stolen pa yan. Napakaunfair nga naman.

"Tss. Delete that" pikon niyang sabi ginulo ang buhok

Humagalpak ako ng tawa. "No"

Days passed by like a whirlwind

Sobrang bilis. Namalayan ko na lang, isang buwan ay summer vacation na. Yay.

"What's that?" dumungaw si Blaux sa ginagawa ko.

"Just stats" lintek na problem iyan. Saan ba nakuha at hindi naman ata naituro sa amin.

Left tail pa nga...

"Let me check" pinabayaan ko siya at bigong inub-ob ang mukha sa desk.

Potaaa. Mamatay na ako. Nakakapagod na maging mathematician!

"Do you have notes?" tinuro ko lang ang bag ko, siya na ang pinakuha ko dahil nawawalan na ako ng lakas.

Ilang minuto niya din siguro inaral iyon bago tuluyang nakuha. Inexplain naman niya kaagad iyon sa akin.

Napatango tango naman ako, galing talaga mag explain. Partida, ibang strand niyan.

Nasa papel pa kanina ang mata ko kaya naman di ko alam kung paanong mukha na niya ang tinitingnan ko!

Ang gwapo... Shet

Hindi na maganda ito

Pinitik niya ang noo ko. "Are you listening?"

"H-Huh?"

Sarkastiko siyang ngumiti. "Focus Ian Kleyn. Focus"

Napairap ako. Napakaarte niya. Nakinig na lang tuloy ako pero every one min ay talagang napapatingin ako sa mukha niya habang nag-eexplain. Tuwi namang nahuhuli niya ako ay pinipitik niya ang noo ko at tinatanong kung may naiintindihan ba daw ako.

Nginingisian ko lang siya

"Ang bilis! Excited na ako sa bakasyon!" si Keira na kulang na lang ay magtatalon.

Nag agree naman kami

"Ano? Advance rev na lang again?" si Sol ang nag aya niyan.

"Sus. Kunwari ka pa. Gusto mo lang maaga makausap jowa mo kaya nag aaral ka agad" pangkontra ni Selena.

Si Sol naman ay ni hindi man lang itinanggi. Nailing na lang ako sa attitude nila.

Ako talaga ang pinakamatino. Walang maasahan sa mga iyan.

Buong linggo ata kaming nagsunog ng kilay. Wala naman akong reklamo kasi last na naman.

"Grabe erp, di ko na makilala ang sarili ko! Hindi ako ganito dati eh" pagsusumbong ko kay Blaux.

"Uh-huh" hindi ko gaanong napapansin ang reaksyon niya dahil mas abala akong magreklamo.

Sawang sawa na siguro siya

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon