Chapter 9

9 3 0
                                    

Chapter 9

"O kay gandang pagmasdan ng iyong mga mata" Blaux started to sing

Nasa garden kami ngayon, it was break time. Naka-video siya sa akin, ang galing kasi eh. Yung boses niya, pangharana talaga. Hindi naman siya tumitingin sa camera kasi ayaw niya talaga magpavideo, buti nga napilit ko eh.

"Ang galing!" pumalakpak ako.

Sa halip na magpasalamat ay nakuha pa niya akong ismidan. Umismid din tuloy ako, napaka-ungrateful, hindi naman ganiyan ang turo sa kaniya ni tita.

"Ano pa alam mong tugtugin?" pagtatanong ko para naman makalimutan niya na panget ang mood niya.

"Ano alam mo kantahin?" balik niyang tanong sa akin.

"Thank you sa pagsagot" sabi ko habang nagtitingin ng post sa fb.

Nagsimula siya mag-strum. "I know you know this. Try to sing" utos niya.

Umirap naman ako pero binaba din ang phone. Tinigil niya ang pag-strum, nagtaka tuloy ako

"Video mo"

Napairap na lang ulit ako, Napakadaming arte!

Vinideo ko tuloy para hindi na siya magligalig pa

Familiar melody of the song plays on the background

"Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa akin..." pagsisimula niya

Tumingin agad siya sa akin nung turn ko na. Huminga ako ng malalim, hindi naman talaga ako magaling kumanta eh, sinasabayan ko lang itong si Blaux

"Hindi ko alam kung saan ko sisimulan..."

Lumipas ang isang linggo na halos pare-pareho lang. Napakaboring talaga! Papasok. Uuwi. Papasok. Uuwi. Katamad, gusto ko nalang pumunta ng Korea, baka nandoon pa yung destiny ko. Speaking of which Aug 5 nga pala ngayon, napakabilis naman talaga. wala daw klase tomorrow kasi School Caravan, sari-sari na namang eklavush. May mga booth na pakulo. Hays... napakamalas ko pa naman ata sa jail booth, every year yata ay kinukulong ako eh! Buti sana kung marriage booth, siyempre charot lang. Wala akong type sa mga lalaki sa school namin. No offense.

"Ano plano niyo sa bukas?" si Sol ang nagtatanong, mukhang excited ang gaga, kasali yan sa volleyball eh. Sanaol na lang sporty, wala man lang akong kaalam alam na sports Kahit ang mama ko dati ay volleyball player. I swear, nag-try ako pero hindi talaga ako matuto. Palagi pa akong nadadadapa

"Mambabato ng malalandutay" aniya Keira na todo support ko naman. Siyempre walang klase, panigurado paparada na naman ang view ng mga mushroom na nakapayong habang hawak kamay pa.

"Uunahin ka namin" dagdag ko, tinaas niya tuloy ang middle finger sa akin. Tinawanan ko lang siya, tanong kasi ng tanong.

Si Selena naman ay Ayun, nakikipagchikahan sa iba naming kaklase. Ganyan yan eh, napakadaldal, kung saan saan na lang napapadpad.

"May event ba daw sa tom?" tanong niya na parang lutang at di nakikinig sa announcement kani-kanina lang.

I shrugged, tinatamad na magsalita pa, sayang sa energy. "If meron, absent nalang ako" mas magandang desisyon pa yun. Wala naman din akong gagawin, mas maganda pang mag-vlog na lang.

"KJ mo!" sabay bato sa akin ng papel.

"Tss. Magpunta ka na lang sa taal" walang gana kong sabi.

Wala talagang klase ngayon dahil wala si Mam Aranata at busy daw sa kung ano. Mabuti naman.

Choss

"Layo" reklamo niya.

"Sus. Walang malayo malayo pag malandi sis" nakareceive tuloy ako ng malutong na mura from her. Ganiyan yan eh. Pero hindi naman ako naooffend, mas masaya ako pag nagsasalita siyang ganiyan. Ibig sabihin kasi ay napipikon siya. Isang karangalan sa akin yan, siyempre.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon