Chapter 27

7 2 0
                                    

Chapter 27

Just like what was told, naggawa nga kami ni Blaux ng assignment. Panay ang nakaw ng tingin ko sa kaniya habang seryosong seryoso siya.

Tumikhim ako ng bumaling siya ng tingin sa akin, mukhang nagtatanong kung bakit ako nakatingin

Nagpatuloy na lang tuloy ulit ako sa  pagsusulat para kunwari wala lang, ganon

Naka isang page ako ng makuryoso ako kung ano na ang ganap sa kaniya. Napakagat ako ng labi habang tinitingnan siya. He's wearing his usual rimmed black glasses, may pods na nakasalpak sa tainga niya, share kami actually. Pinagmasdan ko ang bilis ng mata niya habang binabasa ang libro, kumunot ang noo niya ilang sandali tapos tinitigan ng maigi ang binabasa, tumango siya ng mukhang na-gets na niya ito.

"What is it, Kleyn?" nagulat ako doon

Ramdam ko ang pamumula ng mag-iwas ng tingin

Hindi na lang ako nagsalita kasi baka mas lalo lang akong mapahamak. Ano ba naman kasi yan?

Nagseryoso na lang tuloy ako sa ginagawa, sa takot na may magawa na naman akong kashungahan. Bakit ko ba kasi yun ginawa? Tingin ng tingin, Kleyn? Parang tanga.

"Mahirap ba?"

Nanlalaki ang mata ko nang tumingin sa kaniya. Anong mahirap? Nasabi ko ba ng malakas ang iniisip ko?

Hala, shet

"Ha?!"

Kumunot ang noo niya at tuluyan nang binitawan ang libro na kaninang binabasa niya

"Saang part ka nahihirapan?" sabay kuha ng notebook na hawak ko.

Nag-iwas naman ako sa kaniya na parang napapaso

Nagtaka naman siya sa inaasta ko pero di na nagsalita

Ngayon ko lang nagets na assignment ko pala ang tinutukoy niya! Shet na yan. Akala ko kung ano na! Inayos ko tuloy ang sarili.

"Walang mahirap. Nagsusulat lang ako. Akin na nga yan!" inagaw ko ang notebook mula sa pagkakahawak niya

Tumawa siya. "Ang weird mo"

Sumimangot ako. "Kaw weird"

Hindi niya ako pinansin. Tiningnan ko tuloy siya at nakita na abala na siya sa kung ano mang ginagawa niya

Nairita tuloy ako sa asta ko kanina

Umismid ako, hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Panget mo" pambabash ko

Mukhang wala lang naman sa kaniya iyon at di ako pinansin, tinuloy ko na lang tuloy ang gawain ko dahil wala akong matatapos kung siya ang pupunahin ko!

Agad kaming umuwi nang matapos na sa paggagagawa ng assignment

"Bye!" i blew a flying kiss to him

Nailing na lang siya sa inasta ko

Kinabukasan ay tinanghali na naman ako ng gising kaya naman mabilisan talaga ang kilos ko.

"Yan kasi ang sinasabi! Kanina pa pinababangon" si Mama

Paiyak na ako habang nagbibihis. Mas lalo akong nai-stress sa pinagsasasabi ng aking ina

"Kanina pa dito si Blaux, hindi ka ba nahihiya na kanina pa itong naghihintay?!"

"Mama, patapos na ako!" nagpapanic kong sabi.

Shet! Hindi ko talaga gusto na pinapagalitan ako ngayon

"Hindi ka na nag-almusal" puna niya.

Paano pa ako makakapag-almusal ay inistress niyo na ang kaluluwa ko?

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon