Chapter 5

13 4 0
                                    

Chapter 5

Boring

Yan ang nararamdaman ko sa klaseng ito. It was Organization Management.

Pinaglalaruan ko lang ang ballpen ko habang kunwari ay nakikinig. Angas kasi, nasa unahan pa, baka kasi makita akong hindi nakikinig ni mam tsaka tawagin ako. Wala pa naman akong maisasagot dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ang weird talaga ng words niya tas nakaface-mask pa. Ayun, hindi tuloy kami magka-igi.

Siyempre hindi lang naman ako ang hindi nakikinig dahil ang buong klase ay wala na din ang atensyon sa kaniya, may kaniya kaniyang ginagawa eh. Ito namang si mam dahil nakaharap sa white board ay hindi naiintindihan na wala na sa kaniya ang atensyon ng tinuturuan.

After a painful while...

"Okay, class dismissed"

Finally!

Nabuhayan ang kaninang malapit nang pumanaw na klase. Nagsimula na silang magkaroon ng sari-sariling mundo. Ang ingay, Lintek!

"Ta, sa cafeteria" pagyayaya ko kina Sol dahil wala namang teacher sa next period, may sakit daw si sir

Agad naman silang pumayag. Para kaming nakawala nang nakalabas sa room. Grabe ang suffocating!

Dahil wala pang gaanong estudyante ay maluwag ang buong cafeteria. Mabuti naman. Mabilis tuloy kaming nakabili. Si Keira ang namili ng mauupuan namin, doon kami sa tanaw ang dadaan na estudyante sa higher level. Ewan kung bakit doon.

Sumimsim ako sa strawberry shake na binili ko habang nakikinig sa chika nina Sol

"Yes, ang boring, grabe! Muntik na akong makatulog" reklamo ni Selena, tinutukoy ang klase kanina.

Tumawa si Keira. "Tulog na ako kanina eh"

Napaayos ako ng upo nang makita sila Blaux na naglalakad, may kasamang mga lalaki, nangunguna pa sa paglalakad na parang siya yung leader nung gang. Napakayabang talaga

Inirapan ko siya nang magtama ang mata namin.

"Uy," dinig kong asaran ng barkada niya

Hindi ko na sila pinansin at nakisama na lang sa usapan nina Sol

"Ikaw ba, Kleyn?"

"Huh?" umangat ang kilay ko, hindi naiintindihan kung ano ang topic.

"Sa presentation, finish ka na?"

Tumango ako dahil tapos naman na talaga ako. Ayun yung ginagawa ko nung niyaya ako ni Blaux sa Bahay nila eh. Siyempre Kahit naman normal na estudyante lang ako ay ayaw ko naman na matambakan ng gawain, ayaw ko talaga ng madalian dahil pakiramdam ko mababaliw ako kapag ganoon. So as much as possible, tinatapos ko na kaagad ang gawain, mapaanong sub pa yan.

May nginuso si Sol sa akin, tumabingi ang ulo ko, nalilito. "Huh?"

May gumulo ng buhok ko mula sa likod. Napalingon naman ako, alam na kaagad kung sino.

Iritado kong tiningnan si Blaux at inayos ang buhok. "May klase ah" puna niya.

Tumayo ako at hinarap siya. "Walang teacher kaya lumabas muna kami"

He turned to my friend. "Mga kaibigan ko," sabay Lahad sa kanila. "Si Sol, Keira at Selena" pagpapakilala ko. Pinakilala ko na din si Blaux sa kanila

Tumango lang si Blaux, nakakapanibago naman na tahimik silang tatlo

Bumaling tuloy ako kay Blaux dahila ng awkward

I pushed him. "Umalis ka na" I mouthed Lalo at napapansin ko na naman ang pagka-malisosya ng mga kaibigan ko.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon