Chapter 42

9 2 0
                                    

Chapter 42

Nag-over time ako. It was 6pm pero kalahati pa lang ang nagagawa ko, napaka-imposible naman kasi na matapos ngayon yung pinapagawa ni Mr. Sarmiento.

Kahit ganoon, gusto kong i-try ko matapos hanggang 12, ganoon naman talaga sa trabaho eh. Alam ko naman na pwede mangyari ito bago pa lamang ako magsimula.

"Let's have dinner" gulat na gulat ako nang magsalita si Mr. Sarmiento. Akala ko kasi ako na lang ang natitirang tao dito

"Po?"

"Bukas mo na tapusin yan. Come on, hurry"

Kahit naguguluhan ako ay sumunod na lang ako. Tahimik lang kami naglalakad papunta sa parking lot. Medyo nag-aalinlangan ako sumakay sa kotse ni Mr. Sarmiento, ang awkward eh

Tiningnan ko muna siya bago mabagal na sumakay

Shet, tama ba itong ginagawa ko?

Nilingon ko si Mr. Sarmiento, hindi pa kasi naandar ang kotse. Hanggang ngayon nasa parking lot pa din kami.

"I'm sorry" nagulat ako. "I just want to talk to you so i piled your work"

Hindi ko alam kung paprangkahin ko siya o ano. Pero naisip ko na late din naman ako kanina so inisip ko lang na punishment iyon kaso di tama na idamay niya trabaho ko... para makausap ako

"Okay... pero uh, pwede po malaman if ano yung pag-uusapan?"

"Just few of things..."

"About work?"

He nodded. "Yup" napatango na din ako. "So... do you still want to come?"

I nodded

"Cool"

Tahimik ang buong biyahe, ang awkward naman. Pinapanood ko lang yung daanan, ramdam ko ang panaka-nakang sulyap ni Mr. Sarmiento. Naisip ko tuloy mag-open up ng topic, feel ko nakakabastos ako eh. Bago ko pa siya makausap ay may nagtext na sa akin

Cedrick

Where are you? Did you overtime? I'm at your house

Napatakip ako sa bibig

"Boyfriend?" Mr. Sarmiento asked

Umiling lang ako

Ako

Work lang, pauwi na din ako

Cedrick

Nasaan ka? Susunduin kita

Ako

Wag na

Itinago ko ang phone nang makita na ang panay na paninitig ni Mr. Sarmiento

"Sorry. Nagtext friend ko"

"That was fine" ni-park ni Mr. Sarmiento kotse niya. Pinagdikit ko yung palad ko, feeling ko pinagpapawisan ako.

Yoko na talaga...

"You could loosen up, you know? Your so tense" he chuckled.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, tahimik naman akong nagpasalamat.

"Medyo ano lang po," awkward, no. "Ano. Boss ka namin... so"

He chuckled. "Come on, we're not working. Who's the boss of who?"

I pouted, walang maidagdag. Boring talaga ako kausap eh.

"You know, i'm starting to think na sana di mo na lang nalaman na head ako. You talked to me casually that day"

Natawa na din ako, naalala yun pero di ko naman sinasadya. Nalabas tuloy na wala akong respeto, nakakahiya naman oh

Dinala ako ni Mr. Sarmiento sa restaurant na kinainan namin ni Cedrick the last time

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon