Chapter 4

12 5 0
                                    

Chapter 4

"Blauxx," I called him as we walked non-chalantly.

"Hmm?"

"What do you think of getting yourself a girlfriend?" seryoso kong tanong.

Mukha namang nagulat siya. "Huh? Bakit mo naitanong?" natawa tawa siya.

Umirap ako tapos pinalobo ang pisngi. "Wala lang, naisip ko lang. Bakit? Bawal?"

He shook his head then from being playful, his face turned to serious. "Bakit? May boyfriend ka na?"

Ako naman ngayon ang natawa, ang lawak din ng imagination ng lalaking ito. "Wala. Abno ka ba?"

"Why do you sound lonely? Gusto mo?" he looked pissed.

Ay aba, ano namang kinaiiyamot niya?

"Ayaw. Curious lang ako" nakanguso kong saad, pasipa sipa ng bato.

Napatigil ako nang mapansin na hindi ko na siya kasabay na maglakad. Tumigil ako at nilingon siya.

"Anong mukha yan?" natawa ako.

He rolled his eyes. "Tss. Wag ka muna magboyfriend, sumbong kita sa tatay mo"

I laughed. "Siraulo, para nagtatanong lang ako kung saan saan na nagpunta ang utak mo"

"Bakit ka kasi nagtatanong?" umangat ang kilay niya.

"Napag-usapan lang namin-"

"Nino?" agaran naman ang pagputol niya.

"Kaibigan ko" nagsimula na siyang maglakad, nauna pa sa akin. Hindi ko tuloy kita ang mukha niya, bad mood siguro kaya sa akin naibubuntong. Pabayaan na, sanay naman na akong mapagbuntungan. "Naisip ko lang, pakiramdam ko hindi ako magkakajowa kasi ewan ko" tumingin ako sa taas, nag-iisip ng dahilan. "Mataray ako, kaya takot lumapit sa akin ang mga lalaki tapos lagi pa kitang kasama dahil epal ka"

"Tss. Those boys are not worth it"

Eh? Napakaseryoso naman niya!

"O baka naman hindi ako attractive kaya walang nagtatangkang lumapit sa akin?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. He stared at me for a long while, napaatras tuloy ako.

"G-Ginagawa mo?"

His face was illuminated by the lamp post, gabi ngayon at napagpasyahan namin na maglakad-lakad. Actually, may hitsura naman talaga si Blaux, hindi lang talaga kami talo. Parang kapatid ko na yan eh.

"Right, your not attractive enough, tigilan mo ang pag-iisip ng pagkakaroon ng boyfriend" pang-aasar niya, nakuha pang ngumisi

Ang hayop na ito! Napaka-epal talaga

Sumimangot tuloy ako tapos di na siya pinansin, medyo dinibdib ang sinabi niya. Tahimik na kaming naglakad. I was wearing a purple hoodie while Blauxx is wearing a black one, naka-cap pa siya. Medyo malamig kaya hindi ko pinagsisihan na maghoodie.

"Your quiet" puna niya.

Tss. Pagkatapos niyang pulaan ang mukha ko. Umayos ako, parang tanga ng dahilan.

"Epal ka kasi" umirap ako sa kaniya.

Natawa siya. "What? Ang sinasabi ko lang ay wag ka munang magboyfriend dahil bata ka pa" pags-sugarcoat niya sa kaninang sinabi.

"Tss. Ang sabi mo, panget ako kaya walang nagkakagusto sa akin!" giit ko.

Hindi man lang itinanggi ni gago

Umupo na lang tuloy ako sa likod ng truck namin, Nawala din naman ang pagkabwiset ko kay Blaux nang matanaw ang mga stars sa langit. Ang ganda talaga, sana stars na lang ako para di naman ako panget

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon