Chapter 45

8 2 0
                                    

Chapter 45

Iwan ang utak ko sa sinabi ni tita kanina

Wala pa daw girlfriend si Blaux...

I glanced at her, she was busy talking to my mom. Ngumiti siya ng magtagpo ang tingin namin.

I sighed, thinking she was mistaken. I have read tons of article regarding that, miski sa mga magazine patungkol sa kaniya ay may ganiyan din. He was mostly associated with popular figures pero si Hannah Montenegro daw ang girlfriend. They were seen kissing, twice going out of hotel to be exact tapos pumunta pa daw yung babae sa condo niya.

Ano pa bang ebidensyang kailangan kung hindi iyon lang?

...kung hindi girlfriend? What is she then?

I gasped

Is she... his fling?

"Kleyn?"

"Po?" namilog ang bibig ko nang makita na nasa tapat na kami ng arena.

Kahit nung naglakad kami papasok doon ay lutang ako.

"Good thing Blaux gave us a VIP ticket. Mas madali makapasok" tita said excitedly

Mama chuckled. "Galing na bata talaga" papuri niya. "Grabe ang bilis ng panahon, parang dati ay naglalaro palang ang dalawang iyan" nangingiti si mama habang nagbabalik tanaw.

Hindi ko naman alam magiging reaksyon doon. It was corny pero totoo naman, parang dati lang nag-aaral pa kami, ngayon may trabaho na.

Tita laughed, halatang nag-agree sa sinabi ni mama. "Right! Si Blaux naman ay hindi na halos umuwi noon sa amin!"

Hindi na lang ako umimik, walang maidagdag. Kung pwede lang siguro umuwi ginawa ko na pero nakakahiya naman na ganon ang magiging asta ko, ilang taon din naman kami na hindi nagkita ni tita.

"Ate, gusto ko popcorn" ayan na nga at nagturo na si Chezka. Binilihan ko na lang muna tuloy siya.

Dinamihan na namin ang bili ng snacks

Habang bumibili sina tita hindi ako mapakali. Hindi naman nila iyon pansin kasi abala sila sa ginagawa at si Chezka ay nagtuturo na nga, pati yung latest na make up ay tinuturo pa.

"Ang mahal niyan, Chezka" sita agad ni mama.

"Hayaan mo na Jessica at minsan ko lang naman mabilhan ang bata" as expected, ayan nga ang sasabihin ni Tita.

Sa huli, walang nagawa si Mama. Tuwang tuwa naman si Chezka at nakuha ang gusto.

Natawa na lang ako sa asta niya

"Nakakahiya ka," bulong ni Marc

Sumimangot si Chezka. "Tss. Panget mo"

"Shh" saway ko dahil mukhang magsisimula na naman sila sa pag aaway nila

"Ang daming tao pala dito" bulong sa akin ni Mama

Natawa na lang ako

"Benta sa mga babae, Ma" gatong ko

"Tara na" yaya ni tita sa amin

Sinamahan kami ng bouncers papasok

Hindi na dapat ako nagulat pero naintimidate pa din ako na ang daming tao pagkapasok palang namin. Nakakita pa ako ng ilang actress, big time na talaga.

My sibling looks so excited, nagtatatalon pa si Chezka. Si Marc naman ay Kahit walang gaanong imik, may bakas pa din ng excitement. Sina mama ay panay ang kuwentuhan. Tuwing tinatanong nila ako ay tumatango na lang ako Kahit di ko naman talaga dinig, ang ingay kasi masyado eh.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon