Epilogue

5 2 0
                                    

Epilogue

Here she comes again

Crying her eyes out...

Sa matagal na panahon na nakasama ko siya, alam ko na iniiyakan niya lahat.

Kleyn cried at pettiest thing, doon ko siya unang nakilala.

Her younger self looks like a puppy abandoned by her owner as she cried her tears away.. over an ice cream...

"Aray," i heard someone said, followed by tantrums

Hinanap ko ang ingay at nakita ang batang babae na nakasalupagi sa lupa, ang tingin ay diretso sa natapon na ice cream sa unahan niya. Panay ang paghagulhol.

"Hey, why are you crying?" i approached her

That's where we got close. We become playmates, hindi na niya ako tinigilan pagkatapos no'n. Sometimes, i will be shock that she's already beside me.

"Kuya Blaux, may ice cream ka pa diyan?" yan ang lagi niyang hinihingi sa akin

Hindi naman ako makatanggi. Di ko din alam kung bakit.

Strawberry. Yan ang favorite niyang flavor kaya laging ganoon ang ibinibigay ko sa kaniya.

We got close... then closer and closest...

Sa panahon na nakasama ko siya, unti unti ko siyang nakilala... kahit bata pa kami

Kleyn is so fragile, she's very innocent. It makes me want to protect her. To shield her from the pain.

Mabilis siyang umiyak at tuwing ganoon ay talo na agad ako

"Hindi ako taya!" pagmamaktol niya, sunod sunod na ang tulo ng luha.

We are playing habulan. Siya ang nagturo sa akin non. Honestly, i grew up on States so i am not really familiar of Filipino things, although my Mom sometimes would tell me things about here.

Umiiyak siya kasi natalo ko, binabagalan ko na nga ang takbo kasi alam ko na ganito ang mangyayari. At tama nga ako.

I sighed and came near her

"Sige. Ako na ang taya"

Nabuo ang ngiti sa labi niya at nakuha pa na hawakan ang braso ko. "Taya!" malakas niyang sabi sabay takbo ng mabilis.

"Careful!"

Noong una ay hindi malinaw sa akin ang pag-aalala sa kaniya

"Uy, sino yun? Crush mo?" tanong ni Kenneth, kaibigan ko.

"No" i said shortly.

"Sus, crush mo yun" pamimilit niya

Hindi ako naniniwala nung una

Tiningnan ko siya, abala sa pagkain ng ice cream, nakaupo sa swing. Nang makita niya ako ay gumuhit ang ngiti sa labi niya, she waved at me. I didn't react, i only stare at her. She looks wonderful every time she smiles.

Kleyn is always clingy to me, palagi niya akong hinahanap

"Kleyn is crying, looking for you. Puntahan mo sa kanila, ako na diyan" si mama at inagaw yung ginagawa ko.

Hindi na ako umangal at mabilisang nagbihis

Naabutan ko nga siyang umiiyak. "Your crying again?"

Masama ang tingin niya sa akin na lumapit, hinampas niya ang dibdib ko. "Ang tagal mo!"

Tumawa ako. I found her so cute but that's just it. Walang katotohanan ang sinasabi ni Kenneth, i only see Kleyn as my younger sister. Sa kadahilanan na din siguro na gusto ni Mom na magkaanak siya ng babae ay naging malapit ang loob namin sa kaniya pareho.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon