Chapter 3

22 5 0
                                    

Chapter 3

"O, kumain ka na, Kleynn. Maaga ka ata nakauwi?" I kissed my mama's cheeks.

"Kasama ko po si Blaux"

Nagulat ako nang may yumakap sa bewang ko. "Ate Kleynn!" cute na bati ng kapatid kong si Chezka. Natawa agad ako at binuhat siya Kahit medyo mabigat na. She's seven, turning eight this October, ni hindi na nga nakapag-celebrate ng seventh birthday dahil pandemic.

"Anong pasalubong mo?" humagikhik siya.

Pinisil ko ang pisngi niya at ibinigay ang buchi na binili ko kanina. Tumakbo kaagad siya sa sala para makapanood ng tv, ang batang to kunwari sasalubong sa akin pero pasalubong lang naman ang habol.

"Kuya Marc, andiyan na si Ate!"

Hindi ko na hinintay na lumapit si Marc dahil pihado naglalaro na naman yun ng ml.

"Oh" sabay abot ko sa kaniya nung pasalubong, nagpasalamat naman siya pero sa phone naman nakatingin. Nailing na lang ako. "Ano? Mahina pa din signal mo?" tanong ko dahil palaging kumo-connect ang aming kapitbahay sa wifi namin.

Minsan hindi ko na lang mapigilang madismaya, alam nila na aware kami na nakaconnect sila pero since medyo makapals lang ang pez, Ayun, mas malakas pa signal sa nagbababayad. Nagtatry naman ako magpalit ng password pero ewan, may lahing hacker kasi yang kapitbahay namin, ang galing mangalikot, ako basic computer skills lang ang alam.

"Hindi na gaano"

Tumango ako. Mabuti naman. Pero alam ko hindi din magtatagal yan dahil uuwi na mamaya si Aling Myrna galing ng trabaho, mangha-hack na naman yan.

"Hindi mo man lang inimbita dito si Blaux, para makasabay naman siya sa hapunan. Ang dami ko pa namang niluto"

"Tss. Pinapunta ko, ayaw niya. Busy daw" pagsisinungaling ko.

Siyempre hindi ko inimbita. Magkusa na siya, aba! Para namang iba.

"Bukas, ayain mo"

"Opo" tamad kong tugon. "Magbibihis lang ako mama" paalam ko sabay akyat sa aming kwarto, naka-uniform pa kasi ako. Ayoko naman kumain na hindi nagpapalit, diyahe lang.

"Nakaluto na ako ng ulam diyan. Hoy kayong dalawa diyan, magsi-kain na kayo" dinig kong bulyaw niya sa dalawang kapatid.

Agad namang kumilos ang dalawa, medyo takot sa ina. Actually, mabait naman si mama, medyo mabunganga lang. Kung hindi yan mabait ay baka inaway na niya ang kapitbahay namin na walang ginawa kung hindi pagbuntungan kami, aba lahat na lang ng bagong gawa sa aming Bahay ay sinisilip. May pagka-inggitera din kasi, ayaw pakialaman sariling buhay nila.

Tsk. Nalabas na ang aking inner thoughts, hindi maganda yan

Mabilis akong nakapagpalit ng damit, gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko

Pagbaba ko ay kuwentuhan ang narinig ko, medyo maingay. Pakiramdam ko tuloy ay may bisita.

Nadatnan ko si Blaux na nakikiagaw sa pagkain na hinanda ni mama. Ang lalaking ito talaga. "Ito pa, oh. Kumain ka nang kumain diyan" maingay na sabi ni mama sabay lagay pa ng pagkain sa pinggan ni Blaux na wala naman sa kaniya ang atensyon. Ngumisi siya nang makita ako, hindi ko naman siya pinansin at tahimik na naghila ng upuan para sa akin.

"Akala ko ay hindi ka makapunta ngayon. Sabi kasi nitong si Kleyn ay busy ka daw, Mabuti at nakapunta ka"

Lagot na

Patay malisya akong sumandok ng sariling kanin. Hindi na ako para magpabebe kagaya ng ginagawa ni Blaux.

"Oo nga po. Masyado po kasing madaming assignment kaya hindi ako nakapunta agad, Mabuti na lamang at mabilis kong natapos ang lahat ng gagawin" nakatitig pa sa kin yan habang nagsasalita, pulos sarkasmo ang bawat daloy ng salita, ito namang si mama ay mukhang hindi napansin.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon