Chapter 32

9 2 0
                                    

Chapter 32

The finals finally ended. Summer vacation na, yey!

We spend our vacation at Cuenca

Sol

Kailan ulit ang next gala?

Keir

Kagagala lang natin gaga

Nailing na lang ako dahil ang gulo na naman ng gc namin, bakasyon at bakasyon ay paggala ang inaatupag ni Sol

Ako

Hindi na nasatisfy sa piling ng kaniyang jowa

Nagreact heart si Sol sa message ko, umirap ako at nakipagkuwentuhan kay Chi. Ganito talaga kami lagi, Puyat. Pwede kasi gumising ng tanghali dito, pag sa amin at tanghali ay tulog pa ako nararatat talaga ako ng mouth ni Mama. Charr.

Kakaiba ang bonding namin, napapansin din ng mga tita ko yan. Sabay kaming natutulog sa pahapon na oras, tapos gising magdamag. May lahi kasi kaming vampire.

And every night, we talk, sometimes listen to music, draw together at kung anong maisipan, minsan nga ay nagtitiktok kami

But I will always love our late night talks

Tapos ang bonding namin ni Chi sa umaga ay sabay magbabasa ng novel, tahimik lang kami na magkasama, di kami nag-uusap pero masaya ako.

"May boyfriend na ga ang ate mo, Chi?" pagtatanong ni Lolo.

Umismid ako. Labo namang magkaboyfriend ako, wala namang nanliligaw sa akin!

Tumawa si Chi. "Di ko alam lo"

Tumawa din si Lolo. Sinamaan kong tingin si Chi, abno din eh

"Ikaw ga... Kleyn ay may nobyo na?"

Ikinunot ko ang aking noo at inangat ang kanang kilay

"Wala po Lolo. Ang papangit ng lalaki sa school namin" sabi ko Kahit panay ang panghuhunt ko ng lalaki sa aming school

"Ayy... magtatapos muna ng pag-aaral" ang lagging habilin ng aking lolo. Inignora ko ang pagtunog ng aking cellphone at naggawa na din ng sarili kong kape. Nakigaya na din sa akin si Chi at nagtimpla ng kaniyang gatas

"Ano ga ang iyong balak kunin na..." tumigil siya nag-iisip. "Ano ga ngang tawag doon?"

"Course po" sabi ko sabay halo nung tinitimpla kong kape

"Ayun.. anong iyong kukunin na course?"

"Hindi ko pa nga po alam"

"Ay naku... Maaari ga iyan? Dapat ay alam mo at ika'y pagraduate na"

At Ayun na nga, finish na. Pinagdodoctor ako ng aking lolo

Naknampucha

"Lolo naman, hindi ko kaya yun!" protesta ko

"Maaari gang hindi makakaya. Ika'y magtapos, aralin mo"

Tuloy ang kuwento sa akin ng lolo about sa pag dodoctor, kesyo matalino naman daw ako at kakayanin ko.

Nag-agree na lang tuloy ako Kahit hindi ko nakikita ang sarili na maging doctor

Jusko naman, Lo!

"Doctor pala ate, ha?"

"Luh pa!"

Nagtawanan kami ni Chi, nakipagkuwentuhan kami kay Lolo habang nagkakape, yun na ang bonding namin eh. Panay ang tawa namin, malapit pa naman Bahay namin sa sementeryo, nabulabog na siguro ang mga namamahinga

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon