Chapter 47

3 2 0
                                    

Chapter 47

Hinayaan ko na lang lumipas ang oras, sa halip na mag focus sa recent happenings ko sa life ay inabala ko na lang ang sarili sa mga usual kong Gawain. Consistent na din ang pagrerecord ko ng kanta.

Naka-live ako ngayon sa ig, bored kasi ako

Natawa ako sa mga comments

Ganda mo po

where is your bf po?

ate pahingi po niyang kinakain niyo, mukhang masarap haha charr

I laughed at the last comment

"Padalhan kita sa Bahay niyo, isang box. Bigay mo muna sa akin address mo" pagsakay ko

luh, si ate dumadamoves

I acted like i'm hurt. "Grabe, nagmamagandang loob lang"

HOYY

Kumunot ang noo ko at binasa ng maigi yung comment sa screen

"Huy ka din! Ano ginagawa mo sa live ko, ha?" sabi ko kay Erman, siya kasi yung nagcomment, papansin lang?

Bakit nga pala yan nakakapanood sa live ko? Nasa trabaho yun ngayon ah?

Nasa Bahay mo ako. BUKSAN MO ANG PINTO

Napabangon tuloy ako

"Hala! Abnong ito" napilitan tuloy ako na maglakad para mabuksan ang pinto.

Day off ko ngayon eh. Panira talaga yang si Erman sa life ko

"Anong ginagawa mo dito?' salubong ko sa kaniya. "Hala bakit kayo nandiyan?" sabi ko nang makita sina Cedrick sa tapat ng Bahay ko

"Surprise?" Terrence said

Umismid ako at pinapasok na sila

"Hi muna kayo" itinapat ko sa mukha nila sa phone

"Wazzup" nakuha pa ni Erman na sumaludo

Si Cedrick naman ay inisnab lang ang camera ko at dumiretso na sa kawayan kong sofa

"Wag kayo mahiya, feel at home" sarkastiko kong sabi habang pinaghahanda silang kape

"Kape?! Pota, ang init init!" reklamo ni Erman

"Tss. Reklamo ka pa. Yan lang kaya kong ibigay"

"Ayan, guys ganyan ang tunay na ugali niyang si Kleyn" sabi ni Erman sa harap ng camera.

Inirapan ko siya

"Magkape na kayo. Pag hindi niyo yan ininom, wag na kayo babalik" hindi naman nila ako pinansin kasi busy sila sa ML. Pinabayaan ko na lang sila sa buhay nila at bumalik na lang sa kaninang ginagawa.

"Pagpasensyahan niyo na, naaawa kasi ako. Wala silang matutuluyan"

hahaha! laptrip

sama ni ateee

yow! musta?

"Hala, Selena mylabs! I miss you so muchhh" natuwa ako na nagcomment siya. " Ba't ka napadpad diyan? Punta ka sa amin, catch up"

luh, sureee

Nagmessage din kami privately, awkward naman na mag-usap don sa live eh maraming nakakapanood

"Hoy, Ian Kleyn! Saan ang bigas mo? Kahiya naman sa Iyo at kami na ang magsasaing!" sigaw ni Erman sa buong mundo.

"Hanapin mo na lang"

"Amp!" reklamo niya

Naawa naman ako sa kaniya at kinuha iyon

Bumaling ulit ako sa phone, di ko pa tinatapos live. Minsan na nga lang gawin eh, susulitin ko na

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon