Chapter 23

6 2 0
                                    

Chapter 23

Panay ang stalk ko

"Sikat pala ang ugok na yun," bulong ko sa sarili, hindi makapaniwala. Expected ko naman na famous siya dito sa school but never did I thought na Kahit sa ibang lugar ay kilala siya.

Mag-isa ako ngayon sa may bench, Blaux is busy with something while my friends... well, di ko alam kung nasaan sila

Magkaibigan na naman kami sadya ni Blaux pero never ko pa siyang inistalk sa socmed kasi sa totoo lang, hindi ako curious sa kaniya

Kaya pala madami ang nagfollow sa akin simula nung ifollow niya ako. And to think na wala man lang Siyang Ipinipost na vid sa yt tapos ang daming follower, nakakaoffend.

I scrolled through his ig posts, wala man lang kapopost ng sarili niyang mukha, puro mga sceneries lang tsaka yung gitara niya, nag-iisa lang na post niya ng sarili niya yung candid photo niya na naggigitara siya tapos nakanta, di naman ganoon kakita ang mukha niya. Nagscroll pa ako lalo at meron ako Nakita mga shorts na kumakanta siya

"Anong ginagawa mo?"

Mabilis kong inexit ang ig at sa pagkataranta ay nahulog ko pa ang phone sa sobrang gulat. Sinamaan ko ng tingin ang humahagalpak na si Sol kasama na niya ngayon sina Selena.

"Hoy hoy, bakit ganiyan ang reaksyon mo? Nanonood ka ng porn?" tanong ng hayop na si Sol, inirapan ko tuloy siya.

"Tanga hindi" kung ano ano na lang ang ibinibintang sa akin. Siguro Gawain niya kaya bilis magconclude na ganon.

Lumapit siya sa akin. "Patingin nga ng phone mo" sabay agaw ng phone ko, bago ko siya mapigilan ay mabilis na nakuha ni Selena iyon

I frowned. "Privacy..." I drawled lazily.

Pinabayaan ko na lang sila makichika sa phone ko, kita ko kung paanong nag iba ang kanilang ekspresyon. Namimilog ang mata ni Solace nung bumaling siya sa akin.

"Ano?" iritado na ako dahil kinakabahan ako.

Naexit ko naman yun diba?

"Ikaw ha, Kleyn? Ano yun?" sabay pakita niya ng picture ni Jake sa akin na nakaopen sa phone ko

Ay gago?

Hindi ko alam kung marerelieve ba ako na ganyan naabutan niya or mas mag-aalala kasi for sure, mang-iissue sila.

At bakit may pic ni Jake diyan? Pota naman

"N-Ni hindi ko nga alam na may ganiyan" at nautal pa nga ako Kahit hindi naman ako may pakana nun. Hindi naman ako creepy para magsave ng pic ng kung sino sino lang. "Akin na nga yan," sabay mabilis na agaw sa phone ko

Pinatay ko kaagad ito para wala na silang mapansin pa na kung ano

Tumabi sa akin si Keira

"Crush mo si Jake?" mahina ang boses niya na parang natatakot siya na may makarinig non at kumalat pa.

Tamad akong umirap. "Pwede ba?"

Ang dami dami ko na ngang iniisip sa buhay dadagdag pa sila

"Bakit mo tinitigan?" si Selena naman ang nagtanong

Napasapo na lang ako sa noo. "Hindi ko siya tinitigan" tipid kong sabi sabay tayo na at lakad papalayo.

"Nagdadalaga ka na Kleyn," pang-aasar sa akin ni Sol.

"Si Jake pala ang nais" singit ng demonyong si Keira.

"Tigilan niyo ako. Nagdidilim ang paningin ko" isa isa ko silang sinamaan ng tingin

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon