Chapter 46

6 2 0
                                    

Chapter 46

"Uuwi ka na kaagad, Kleyn?" si tita

Alanganin akong ngumiti. "Opo. Madami pa po kasing gagawin" bumeso ako sa kaniya.

"Oh? Sayang naman" bakas ang panghihinayang sa mukha ni tita. "It will be nice if you stay here, at least, overnight. Madami pang espasyo para sa Iyo dito"

"Gusto ko din po sana tita kaso lang po,"

"Alright. Pahatid ka na lang kay Blaux-" agad ko siyang pinigilan nung tatawagin niya sana si Blaux.

Napapikit ako ng mariin nang magsimula na nga siyang maglakad papalapit, dinig agad ang tawag ni tita.

"Hindi na po kailangan. Susunduin din po ako ni Erman"

Mukha namang nagulat si tita. Naramdaman ko na tumigil si Blaux malapit sa amin. "Erman?"

I smiled. "Friend ko po"

Namilog ang bibig niya. "Oh?" she nodded. "You could bring Blaux with you"

Blaux shifted his position, akmang may sasabihin pero inunahan ko na kaagad

"Hindi na po. Nakausap ko naman na po si Erman. At tsaka mukhang pagod na po si Blaux-"

"I could drive you home" he said looking at me intently

Napatingin na din ako sa kaniya. "Di na kailangan mag-abala. Paparating na din naman si Erman"

Nagtagal kamin ganoon, Mabuti na lamang at lumapit si mama sa amin.

"Uuwi ka na?" tumango ako

I hugged her. Dito daw kasi sila matutulog ngayon dahil bukas ay isasama sila ni tita papuntang Tagaytay. Sanaol na lang.

"Mag-iingat ha?"

"Opo" nilingon ko sina Chezka.

"Alis na ako, Chez" paalam ko nang makalapit sa kanila

"I'll walk you" biglang singit ni Blaux nung matapos na ako sa pagpapaalam

Dahil nasa unahan ko sina tita ay di na ako nakatanggi.

Hindi ko alam ang sasabihin habang naglalakad kami. Hindi ko din malingon si Blaux, baka bigla akong kausapin. Di ko alam kung paano aasta

Sa halip na indahin ang awkward atmosphere ay Inabala ko ang sarili sa pagtitingin sa cellphone, kunwari ay nagtetext kay Erman Kahit kanina pa naman yung naghihintay sa akin diyan sa may gate, inip na siguro yun.

"Why did you drink the last time?" ayan na nga at nagtanong na siya

Napabaling ako sa kaniya, medyo lutang pa kasi galing ang mata sa phone. Nakatingin ako sa phone pero yung utak ko talaga nasa ibang dimensyon.

"Ha?" kumunot ang noo ko

"The last time..."

Hindi pa man siya natatapos ay nabulunan na ako, wala naman akong kinakain. Hinampas hampas ko ang dibdib ko.

Puta naman talaga yang flashback na iyan

"O-Okay lang a-ako" sabi ko nung akmang tutulungan niya ako

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa sarili

Mas Lalo lang tuloy naging awkward

Napahinga ako ng maluwag nang tumunog ang phone ko. Nicheck ko kaagad iyon at Nakita ang pangalan ni Erman sa screen.

Ngayon lang ako natuwa sa kaniya!

"Hello?"

"Nasaan ka na? Ang tagal mo" pinigilan kong mapairap sa pagkamainipin niya

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon