Chapter 25

7 2 0
                                    

Chapter 25

Nagkuwentuhan lang kami ni Blaux habang naglalakad.

Nitong nakaraang araw, narealize ko kung gaano kaselfish yung desisyon ko.

Magkaibigan kami... hindi ko dapat siya iniiwasan dahil lang gusto ko siya

"Sleep immediately"

Umirap na lang ako sa habilin niya, daig niya pa lolo ko kung magbilin eh

nakatulog naman kaagad ako nang maramdaman ko na ang likod sa kama, bungad na din siguro ng sobrang pagod.

"Magsasabay ba kayo ni Blaux?" si mama ang nagtatanong, simple lamang akong tumango, wala naman din kasi akong natatandaan na lalakarin ni Blaux.

Gaya nga ng inaasahan, sabay na kami papunta sa eskwelahan

"Aga mo, ah?" pang-aasar ko kay Keir, lagi kasi yang late eh. Kataka-taka na maaga siya today

Inirapan niya lang ako, sama talaga ng ugali

One of these days lalayo talaga ako sa mga ito, baka mahawa ako sa mga bad traits nila, mahirap na

Tuloy tuloy naman ang klase, ni wala man lang padisclaimer ang mga teacher na may periodic, basta lang sila nagdidiscuss, grabe, di man lang kami iinform, atleast ng coverage ng exam. Paano na ang kinabukasan ko niyan?

"Mam" nagtaas ng kamay si Jona. "How about po yung periodical test? May we know the coverage of it para alam naming ang rereviewihin if ever" hulog ng langit siya sa pagtatanong niyan

Kita ko naman na napatango-tango na din ang mga kaklase ko

"As of now, wala pa kaming idea sa magiging exam niyo hindi pa nakakarating sa amin yung physical copy so" then she explained

Sabay sabay naman kaming napabuntong hininga

"Anong pagmumukha yan?" pinindot ni Blaux ang pisngi ko.

Nakalatag ang jacket niya sa may damuhan, doon kami nakaupo. Dala dala niya pa ang gitara na hiniram niya daw sa kaklase niya.

"Try mo, oh" sabay abot niya nung gitara.

Umiling ako. "Yoko, baka masira ko" natatakot kong sabi

Pinitik niya ako sa noo, sinamaan ko agad siya ng tingin. Bakit ba napaka-bayolente ng tao sa paligid ko? Nangunguna-nguna si Keira.

"You won't," pinakalong niya sa kin yung gitara, wala na tuloy ako nagawa. Tinatamad nga ako ngayon, kulit din ni Blaux. Magrereact na sana ako kaso bigla siya pumunta siya sa likod ko, eto na nga ba ang kinakatakot ko. "Turuan kita," pinahawak niya sa akin yung gitara.

"Marunong na ako" protesta ko.

Hindi naman siya sumagot at nanatili sa likod ko. Sa pag-asa na maiwasan ko ang awkward atmosphere sa pagitan namin or ako lang ata since feeling ko ay ako lang naman talaga ang kinakabahan ay pinili ko na magsimula nang itugtog ang natutunan kong igitara.

Actually, isa lang ang alam ko na tugtogin at sure na sure ako na ang panget ko maggitara kasi ang bulok ko.

"Mali, ganito ang G" itinama niya yung daliri ko, nahigit ko tuloy ang hininga ko. Muntik na akong pumanaw sa pinagagagawa niya

Lord, pano ba to?

Anong klaseng sumpa ito?

"Oo na! Gets ko na," sabay layo ng kaunti sa kaniya.

Potekk, ramdam ko yung init eh

Hindi naman na siya nagreact. Nagstart na tuloy ako tumugtog, kailangan ko itong mairaos

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon