Chapter 2

24 6 0
                                    

Chapter 2

"Aba'y Ian Kleynn, gumising-gising ka na!" matinis na boses ni mama ang bungad sa umaga.

Inis naman akong nagbalot ng kumot para matabunan ang boses niya

"Ang aga aga pa" I groaned

Hinampas niya ako ng unan. "Anong maaga ka diyan? Alas sais na aber! Aba'y anong oras mo balak pumasok? Tapos mamaya ay galit ka na naman at late ka!" she started again "Bilisan mong magbihis at naghihintay sayo si Blaux, ihahatid ka daw"

Napabangon ako bigla. Shet! Oo nga pala at may pasok ngayon. Masyado akong nasanay sa bakasyon na walang pasok kaya naman kampante pa akong matulog. Tapos na nga pala ang maliligayang araw ko... at iniintay ako ni Blaux?

Nahulog ako sa kama sa pagmamadali. Hindi na ako kumain at diretso ligo na agad dahil malelate na naman ako. Bukod sa napakahirap maghanap ng jeep ay traffic pa! Sa susunod talaga ay bibili na ako ng kotse para naman di na ako mamroblema ng ganito. Charot. Sa next life time na lang siguro

Ten minutes lang ata ako naligo. Madalian na syempre, alangan naman na magbagal pa ako Lalo ay tanghali na. Para naman akong shunga, if ever. Nagtagal lang ako sa pagbibihis kasi siyempre tinuyo ko pa buhok ko at nag-ayos ng face para naman Kahit late ay maganda pa din ako.

Bumaba na ako nang matapos, doon nadatnan ko si Blaux na nakaupo sa aming kawayang sofa, nagkakape at nakikipaghuntahan sa aking ina. Tumayo siya nang makita ako.

Natawa ako. "Para ka namang nanliligaw ng lagay na yan"

"Nililigawan ko si tita" ngumisi siya.

Ngumiwi ako. "Nakakadiri ka" iisipin ko palang na magiging step father ko siya, gusto ko nang masuka. Buhay na buhay pa nga ang aking ama eh tapos aagawin niya si mama, ano yun? Balak niyang kumabit?

Tumawa si mama na parang nakakatawa talaga iyon. Himala hindi na mainit ang ulo niya. "Kayo talaga. Umuna na kayo at malelate na kayo sa school" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi pati si Blaux

"Bakit mo ako ihahatid?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa pinag-park ng kaniyang sasakyan.

He scoffed. "Naawa ako sayo, wala kang kasabay"

Nalaglag ang panga ko. Kapal ng mukha nito. Pa-cool pa siya nung una sa akin, lakas naman mang-asar. Mabuti na lang at di ko naging crush ang kupal na ito, muntik pa naman mangyari nung sumabit sa jeep para makaupo yung matanda na katabi ko sa jeep, kung hindi ko lang ito nakilala agad ay baka mangyari pa yung disaster na yun.

Buong oras ay nag-away kami, Kahit nung traffic wala kaming ginawa kundi mag-away.

"Tangeks, hindi ha" pakikipagtalo ko. "Two ako nung mangyari yun!" pinagdiinan ko ang alam ko. Tinutukoy naming yung edad ko nung matuto ako magbasa, ewan kung bakit napapunta doon yung usapan.

Marunong pa siya eh 3 ako nung magkakilala kami, 4 naman siya kasi mas matanda siya sa akin ng one year

Pinitik niya ang noo ko. "Stop being ridiculous, you learned at 4"

Pinitik ko din ang noo niya, aba, siya lang may Karapatan? Nailagan naman niya agad. Ang hayop na ito! Ayos din ah.

"Stop. Mababangga tayo"

Umayos ako ng upo at nagmake face nalang. Pasalamat siya at nagdadrive siya kung hindi husay talaga siya sa akin!

"Paunahan," sabi ko sabay karipas ng takbo nang makapunta na kami sa school

"Madapa ka" dinig kong saway niya. Hindi ko siya pinansin at nagmadali na lang. Mabuti na lang at Kahit traffic ay mabilis siya magpatakbo ng sasakyan kaya naman nakarating kami agad.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon