Chapter 24

7 2 0
                                    

Chapter 24

Pare-parehas naman ang routine ko nitong nagdaang araw. Sa sobrang abala ko, ni hindi ko na namalayan na malapit na matapos ang 1st sem

Akalain mo yun? Nakasurvive ako na walang alam?

Ako na talaga

"Dito ka sa piling ko..." I started to hum a song yung kay addie na tahanan.

Nitong nakaraan mas pinipili ko na lang na mag-isa, hindi ko alam kung bakit ganoon pero mas komportable ako.

"Your alone," puna ni Jester, another guy classmate.

Medyo dumistansya na din ako kay Blaux, busy din siya kaya hindi niya masyadong napapansin

Tumawa ako. "Wala, bored lang" nagkibit-balikat ako

"Nasaan mga kaibigan mo?" he started a conversation.

"Di ko alam"

Natahimik kami sandali, I am not a good conversationalist. Madaldal lang talaga ako pag sa kay Blaux pero pag sa ibang tao na, halos wala akong makapa na salita. Ang awkward eh.

"Didn't know your good at singing" bigla niyang sabi

Hindi ko naman alam kung dapat ba akong magulat o ano na ganoon ang opinion niya. Hindi ako naniniwala, past time ko lang pagkanta. Kung maganda talaga ang boses ko at magaling ako, I swear sasali talaga ako ng tawag ng tanghalan, wala nang urungan ito.

"Oh? Hindi naman," hindi ko alam kung anong dapat isagot kasi kung si Blaux kausap ko iismid lang ako dahil hindi talaga ako naniniwala na maganda ang boses ko

Well, may times na maganda ang boses ko... pero tuwing naliligo lang ako sa cr. Feeling ko kaboses ko si Taylor Swift every time na ganon.

"Marunong ka maggitara?" he asked.

Tumango ako. "Blaux taught me"

Napatango tango na lang din siya. "You must be very close, huh?"

Natawa naman ako. "Sobra," tapos nagkuwento ako about sa amin. "Siya lang talaga nakakatiis ng attitude ko, well, nagpaplastikan lang talaga kami in real life, tiis na tiis ako sa attitude niya, grabe" oa na pagk-kuwento ko, for sure iirapan ako ni Blaux kung maririnig niya lahat ng sinasabi ko.

"Your eyes are shinning.." puna niya, natigil naman ako.

Umangat ang kilay ko. "Ano yun?"

He smiled and shook his head. "Nung ikwento mo si Blaux, you look so happy. Kayo ba?"

Pagak akong natawa sa tanong niya. Kung dati, kikilabutan ako pero ngayon hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako lalo na kung maiisip ko na.. boyfriend ko si Blaux

Pinilig ko ang ulo

"Hindi... kami"

Mag-aattempt sana ako na baguhin ang usapan pero nauna na siyang magtanong. "Gusto mo?"

Kumunot ang noo ko, medyo kabado sa tanong niya, idinaan ko na lang tuloy sa tawa. Hindi ko naman siya siguro kailangan sagutin ng bongga. Ang pinag-aalala ko lang... baka sobrang halata ako

"Gusto ko siya siyempre, as a friend. Bakit mo natanong?' buti na lang ang smooth ng atake ko, pwede nang best actress.

"Wala lang. We thought, he's your boyfriend"

"Hindi. Ano ka ba?" nagsimula na akong tumayo at naglakad na paalis sa kaninang tinatambayan, sinundan naman niya ako.

"Really?" he asked na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. I nodded to confirm it

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon