Chapter 14

7 3 0
                                    

Chapter 14

Ang OA na si Blaux ay nakaabang na agad sa may labas ng classroom namin pagsapit ng last period, akala naman ay hindi siya hihintayin. Napapansin ko tuloy ang madalas na baling sa kaniya ng mga kaklase ko. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil hindi siya nakakatuwa.

Nung magdismiss na si Mam ay napansin ko na umayos siya ng pagkakasandal doon sa may veranda

Umismid ako at kinuha yung walis. Sadly, cleaners ako kaya maghintay siya diyan. Hawak ang walis ay tinext ko siya

Ako:

Wag ka na diyan maghintay!

Binalingan ko siya ng tingin at Nakita na tiningnan niya ang phone niya. Binasa niya lang at hindi man lang ako nirereplayan. Sinenyasan ko siya nung magkatinginan kami pero inismidan niya lang ako at patuloy na naghintay

"Si Blaux yon diba?" sabi ni Sherilyn, yung president namin na hindi ko ganoon ka-gusto.

Sumagot naman yung kaibigan niya. "Oo! Kaibigan yan ng kuya ko, eh"

Ngumisi na lang ako at nailing

"Ang pogi niya!" kilig na kilig si Sherilyn

Pinabayaan ko na lang sila na mag-usap at lumayo sa kanila dahil naririndi ako sa boses nila parehas

"Finally done?" asked by Blaux, pero nilagpasan ko lang siya at dire-diretso ang lakad

Hindi alam ng mga kaklase ko na magkakilala kami at ayaw ko namang ipaalam sa kanila. Mukhang crush na siya ni Sherilyn, ayaw ko naman na mas magngitngit siya kung malaman niya na ako ang bestfriend nitong lalaking ito

Sinundan ako ni Blaux, nang makalayo kami ay hinarap ko siya para makausap

"Bakit?" tanong niya

"Wag ka na doon tumambay, sasabay ako sa Iyo"

His forehead knitted. "Saan ako maghihintay, kung ganon?"

Napaisip naman ako. Ngumisi ako sa kaniya. "Mas maganda na sa kotse ka na lang maghintay, para hindi ka na mapagod" umangat baba ang kilay ko

We slowly took a step. Umismid siya. "Wag mo akong lokohin"

Lokohin?

Umirap ako. "Ah basta! Kahit saan ka maghintay, wag lang sa room"

Hinawakan niya yung bag ko para mapigilan ako sa paglalakad. Kumurap kurap ako nang harapin siya. Anong problema niya diyan?

"Bakit muna?" he smirked

Napatagal yung titig ko sa kaniya

"Tss w-wag ka na magtanong" ako sabay iwas ng tingin

Hindi ko alam kung bakit ako naiilang

"Your red, may sakit ka ba?" agad naman niyang pinadapo yung kamay sa noo ko bago pa man mapigilan,

"Wala!" sabay hawi ng kamay niya sa kin

Nagmadali ako ng paglalakad at nauna na sa kaniya.

"Sungit" he whispered pero dinig ko pa din naman. "You have period now?" walang pakundangan niyang tanong

Binalikan ko naman siya at tinakpan ang pahamak niyang bunganga. Kita kong may naglingonan na estudyante.

"Pasmado talaga yang bunganga mo!"

Tinawanan niya lang ako, nagulat na lang ako nang matahimik siya. Nang lingunin ko naman ay seryoso na ang ekspresyon niya habang nakatingin sa kin

"You don't want me to be seen with your classmate. Is that it, Kleyn?"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon