Chapter 13

6 3 0
                                    

Chapter 13

As soon as we saw Blaux's car, we immediately left the car

Nakita namin kaagad ang anino niya, nakasandal sa may hood ng kaniyang kotse, nakatingala habang nakapikit. Bumagal ang lakad ko nang mumulat ang mata niya at mabilis na nahanap ang akin

"Son," tita immediately hugged him, nagulat naman siya at ibinalik ang yakap sa ina. "You made us worried!" Lalo akong natahimik nang marinig ang mumunting hikbi ni tita

Blaux, hushed him habang ako naman ay naestatwa na sa aking puwesto. Nabitin sa ere lahat ng sasabihin ko sana

"S-Sorry" I mouthed when his eyes found mine. He didn't react, in fact, he only look at me with nothing but serious expression.

"Let's go home," pag-aaya ni tita sa kaniyang anak, nanatili naman akong estatwa sa aking pwesto.

"I will drive mom" Blaux said.

Ayaw pumayag ni tita nung una pero sa huli nakumbinsi naman siya ni Blaux. I remained silent, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Kleyn.." Blaux called my attention pero masyado akong lutang kaya hindi ko kaagad nabigyan iyon ng pansin.

Natauhan lang ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang palapulsuhan ko

"Isasabay ko po si Kleyn, mom" he told tita.

"Alright, just be careful" she hugged his son again.

Pinakawalan naman agad ni tita si Blaux pagkatapos ng ilang sandali. Tahimik kaming parehas nung sumakay sa kaniyang kotse.

"Anong oras ka nakauwi?" tanong ni Blaux, tiningnan ko siya. Mukhang hindi naman galit pero di ko maiwasan na medyo kabahan kasi alam ko na ako ang mali.

Although, iniisip ko na may kasama siya kaya mas magandang idea na hindi na siya intayin. Isa pa, baka hindi din niya ako isabay eh so I decided to come home on my own

pero malay ko ba na hihintayin niya ako?

"Mga 7" sagot ko.

Tumango siya

"Sinong kasabay mo?" for some reason, his voice sounded so cold o baka naman guni guni ko lang?

"Si Sol, nag-kain kasi kami ng fishball. Nagutom ako eh. Ang daming ginawa sa school" nag-try akong daldalin siya pero ang tanging nakuha ko lamang sa kaniya ay tango.

Nakakabinging katahimikan ang kasunod non. Dapat siguro kay tita na ako sumabay, nakakatakot si Blaux pag ganito eh.

"Bumalik.." unang salita palang ay nag-alinlangan na agad ako. "..ka pala sa school?" dahan dahan ang bawat bigkas ko.

Shet, hindi ako 'to eh

"Oo" his only answer.

Ngumuso ako at sinilip ang bintana. Masyado na palang gabi, ano kayang oras na?

"Dapat hindi ka na bumalik-"

"What do you mean by that, Kleyn?" putol niya sa sinabi ko

Nilingon ko siya para matantiya ang kaniyang mood pero seryoso lang naman siya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya or ano.

"Huh?" kumunot ang noo ko.

He glanced at me. "Gabi na, Kleyn at hindi ka pa umuuwi! Do you expect me to just stay still?"

Shet, mukhang galit nga! Sabi ko nga, hindi na ako magsasalita

Hindi na tuloy ako nagsalita non, natatakot akong salubungin ang galit niya. Ano nga ba ang magandang sabihin sa ganitog klase ng sitwasyon?

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon