Chapter 36

10 2 0
                                    

Chapter 36

For the past few weeks, i'm not aware of those things i kept within me. O baka naman alam ko... natatakot lang akong aminin.

Who am i to cry when my lola did her best not to show any signs of mourning?

Kinaya ng lola ko kaya dapat mas kayanin ko...

Ang mama ko... naging matatag siya

Kaya dapat ako din

I was hurt but my lola's pain is indescribable

Hindi dapat ako umiyak

pero wait lang...

totoo ba talaga? Baka naman kasi panaginip lang. Baka niloloko lang ako... Lolo ko yun eh, matapang yun. Malabong sa isang iglap wala na siya.

Aattend pa siya ng graduation ko eh

Malapit na... bakit hindi niya pa nahintay?

Hinigpitan ko ang yakap kay Blaux, umiiyak na parang bata na inagawan ng candy. Pakiramdam ko... ngayon lang unti unting nag sink in sa akin ang lahat. Wala na ang pundasyon ng tahanan namin.

Wala na si lolo...

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit hinarap ang pinakamahirap kong kalaban

Memorya...

"Lolo Bogs!" tatakbo ang batang ako nang makita si Lolo na kinakausap ni Mam Lize.

Sa sobrang excitement ay nakalimutan ko na madulas nga pala ang sahig, kung hindi ako inalalayan ni mam ay madadapa ako!

Hinarap ako ni mam. "Is he your lolo?" pagkausap siya sa akin nang mahinahon

Bibo naman akong tumango kay Mam

"Pasensya na po for inconvenience talagang nasa protocol lang po na... mismong magulang sana ang susundo sa bata"

Palipat lipat ang tingin ko kina lolo na nag-uusap. Actually, hindi ko talaga naiintindihan iyon.

Tumango ang aking lolo at kinuha na ako kay Mam.

"Bye Mam!" ngumiti sa kin si mam at kumaway.

"Ay... kamusta ang school?"

Humagikhik ako. "A lab it!"

Hindi ko alam kung bakit tumawa si Lolo sa sinabi ko. Proud na proud pa ako niyan kasi iyan yung unang English na natutunan ko, nairinig ko lang kay Kris Aquino sa Kris TV.

"Lolo..." tinawag ko siya

Nakasakay kami ngayon sa motor, ganoon ang gamit niya sa pagsundo. Bata pa lang ako sanay na talaga akong umangkas sa motor dahil maging ang mga tito ko ay ganoon din ang gamit.

"O?"

"Ano po ibig sabihin ng a lab it?" inosente kong tanong na tinawanan niya lang.

"Secret"

Naismid na lang ako kasi ayaw sabihin ni Lolo, pinilit ko tuloy siya ng pinilit

"Baka naman akala kayo'y kidnapper kaya ayaw ipadala sa inyo ni Mam Liez si Kleyn"

Malakas na natawa ang lolo sa sinabi ni Ante Mikee

"Mikee ako'y tigilan mo. Sa gwapo kong ito"

Nagtawanan ang mga tita ko. Nakigaya din tuloy ako Kahit di ko naman gets

My childhood memories is still the best

Yung mga panahong palaging may pasalubong ang aking lolo na grapes para sa akin kasi alam niya na favorite ko iyon. Walang araw na hindi siya dadating na may dalang pasalubong kaya naman tuwing maririnig ko yung busina ng motor niya ay nakaabang na sa pintuan ng aming bahay

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon