Chapter 1

33 7 0
                                    

Chapter 1

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko, pinipigilan mainis

Pambihirang buhay, mal-late pa nga!

Gusto kong mainis ng tunay pero dahil mas kailangan ko magmadali ay di ko na tinuloy, I can't afford to be late lalo na at bago ako umalis ay nasermonan pa ako ng aking ina.

"Tanghali ka nang babangon tapos magagalit ka kapag late!" aniya nung maabutan na nagdadabog ako kanina ng very light bago umalis "Sinasabi nang maaga pa lang ay bumangon na! Ang bagal-bagal mong kumilos tapos alanganing oras ka pa nabangon! Pano? Gabi nang natulog!" at hindi na natapos si mama, nagwawalis pa siya ng bakuran habang nagr-rap. Dinig tuloy ng kapitbahay! Kakahiya naman, oh.

Its first day of our school, senior high school ako. Kung sa iba ay okay lang na malate ngayong first day dahil wala pang masyadong ganap pero dahil siyempre unique ako ay ibahin niyo ako. Ayaw ko talaga malate sa school pero mas ayaw kong gumising ng maaga.. hello, ang sarap sarap kaya matulog. Kaya ang ending, ineextend ko pa ang pagtulog bago tuluyang bumangon.

Hindi na ako mapakali habang nakaupo sa jeep, siksikan kami, ang aga aga ay mainit na kaagad. Wala na, papasok akong haggard na haggard. Ano na lang sasabihin ng mga viewers ko?

Oh, no!

Naputol lahat ng iniisip ko nang may maramdamang ulo sa balikat ko. Ginalaw ko ito para maalis ang ulo nung ale, nalipat ang ulo niya sa katabi niya sa kaliwa.

I blew on my cheeks

Pakshit na traffic yan, oh!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa designated buillding ko, halos magkandadapa-dapa na ako sa bilis ng pagtakbo ko.

Wala na. Katapusan ko na!

Mas Lalo lamang akong pinanghinaan ng loob nang makita na nagsisimula na ang klase.

"Good Morning, Mam. Apology for i'm late"

She just nodded and proceed on her discussion

Bad trip, wala nang bakante sa likod. Wala tuloy akong choice kung hindi sa unahan maupo. Labag sa loob akong umupo doon, ayaw ko talaga sa unahan dahil feeling ko kapansin-pansin ako.

Ngumuso ako

"G-Good Morning M-Mam" bati ng isang babae na matangkad, her hair was dyed of blonde. She also apologize for her tardiness.

Hmm. Di lang pala ako ang late. Mabuti naman.

Dahil doon ay pinangaralan kami na ayaw niya ng late, pinabayaan niya lang daw kami dahil first day pero sa susunod ay hindi na daw niya palalagpasin, mahaba haba ding sermon, tumatagos pa ang tingin sa akin. Susko, yan na yung almusal ko kanina eh. Pero dahil immune na naman ako sa ganyan ay pasok lagpas lang siya sa magkabilang tainga ko. After that, pinag-introduce yourself na kami, with motto pa! Hay naku naman

Mabuti na lang at mauuna katabi ko kaya may time pa ako mag-isip ng kaunti, pangalawa kasi ako sa magpapakilala. Okay na din kaysa naman ako yung una. Nagbusy-busyhan ako sa aking notebook kunwari para studious dating, ganun. Ilalantad ko din naman ang katauhan ko di magtatagal, sa ngayon kailangan ko muna magpanggap.

"Good Morning everyone!" her voice is a bit of low when she introduced herself, nahihiya ata magsalita sa maraming tao. "My name is Solace Eve Villanueva. Naniniwala po ako na Honesty is the best Policy"

Wow ang unique ng motto! Hindi pa nagagamit!

I stood up when its my turn. Alangan namang magpakilala ako ng nakaupo

"Good Morning po sa lahat!" I smiled. "I'm Ian Kleynn Hernandez, for me simplicity is a bliss"

O diba napakahaba ng motto ko. Panis.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon