Chapter 10

7 3 0
                                    

Chapter 10

Tahimik kami ni Blaux sa jail booth, yung iba naman ay nakuha pang magsayaw

Ibang klase din, nakulong na nga nakuha pang magsaya. Sanaol

"Kailan kami makakalaya?" tanong ko dun sa lalaking nanghuli sa amin

Nilingon ko si Blaux na nakapikit habang nakasandal sa pader, may naksalpak na earpods sa magkabilang tainga. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan yung lalaki na kausap

"Kung may magbabayad para sa inyo ng 20 pesos" nakakaloko yung hitsura niya habang sinasabi yan. "Or di kaya naman ay sumali kayo sa pa-games ng SSG" dagdag niya sabay lingon sa mga estudyanteng nagsasayaw

Kaya naman pala

Bored naman akong umismid. "Ilang oras kaming makukulong kung ganoon?"

"Isang oras lang" sagot niya na parang hindi matagal ang one hour para sa kaniya.

Sa huli, ichinat ko nalang sina Keira para sunduin ako sa hayop na kulungang ito. Wala akong plano na tumambay dito, miski isang oras lang yan!

Agad naman silang tumawa ng makita ang kalagayan ko, nakuha pa akong picturan pang story lang daw. Trip talaga, oh!

"Laya ka na daw Kleyn" sabi nung lalaki na nagkulong sa akin, ni-head to toe pa ako

"Hindi mo ba isasama si Pareng Blaux" dinig kong pahabol nila bago pa man ako makaalis.

Ngumisi ako sa kanila at di na sinagot ang tanong

Kailangan pa bang isama yung lalaking yun?

Tawang tawa naman si Keira. "Anong nangyari? LQ?"

Umiling ako at hindi na sila pinansin. Hindi makaintindi eh. Paulit ulit na hindi kami!

Nag-usap lang kaming apat habang panay try ng mga pagkain sa bawat booth na madadaanan. Lagas na naman pera ko nito.

"I like the Apturon!" kumagat si Selena sa pagkain niya. Tinutukoy niya yung product na imbes na saging na saba ang nakalagay sa wraper ay apple. It tastes unique actually, akala ko pa nung una ay langka ang nakalagay!

Hindi naman na ako umimik dahil halos pare-parehas na yung lasa nung natitikman ko. Nag-vlog ako, panay sama naman sina Selena, siya pa nga naghawak nung camera, pinabayaan ko na lang tutal yun naman ang kaligayahan niya. Isa pa, nakakapagod na maghawak ng camera.

Kung ano anong kabalbalan ang sinasabi nila sa video, nailing na lang ako at hindi na nakisali. Hinanap ko si Blaux, akala ko kanina ay susunod sa akin. Hindi nga yata dinig yung mga pangyayari kanina, ang lakas siguro ng volume nung pinapakinggan niya.

Tutugtog nga pala sila mamaya, makapanood nga.

Buong oras ay wala kaming ginawa kung hindi mag-uli

"Huy!" pananaway ko sa kanila ng I-zoom nila ang video sa mga pogi.

Ang sushunga! Alam na ipopost ko yan!

"Akin na nga yan!" sabi ko at ako na mismo ang nagvideo, basta itong mga ito talaga. Dudungisan pa ang pangalan ko sa socials.

Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sa pagtuturo ng mga pogi na makikita. Nangunguna nguna pa si Sol na may jowa na! Sumbong ko kaya siya?

Ako naman ay mas nalibang sa mga cheerleader na nagp-practice. "Keira, try mo mag-cheer dance" suhestiyon ko. Sinamaan niya ako ng tingin na para bang nakikipagbiruan ako.

"Ikaw nalang"

Ngumiwi ako at pinantayan ang lakad nila. "Bakit ako eh hindi naman ako maliit?" pambubully ko.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon