Chapter 37

7 2 0
                                    

Chapter 37

The first day of my work is kinda tiring pero masaya pa din naman ako dahil gusto ko ang ginagawa

"Ano? Kamusta?" tanong ni Mama sa akin.

Niloud speaker ko ang phone para dinig ko pa din siya Kahit nagtitiklop ako ng damit. "Ayos lang Mama" kinuwento ko sa kaniya ang mga ganaps kanina

Actually, ni-orient lang naman ako tapos minor works lang since bukas pa naman talaga start ng work ko. Pinakilala na din ako sa mga co-workers ko and mukha naman silang mababait, Mabuti na din iyon.

Kung ano ano na ata ang kompanyang inapplyan ko, thankfully natanggap ako sa isang publishing company. Hindi siya line up sa kinuha kong course na Human Resource pero okay na din na magsimula sa mababa munang posisyon

"Nagkita na ba kayo ni Blaux?" biglang tanong ni Mama na hindi ko alam kung saan nanggaling

Natigilan ako ng ilang sandali. Natulala pa habang hawak yung tshirt na dapat ay ililipat ko sa cabinet. Mga five seconds ata akong ganoon, lintek na yarn.

Napaisip tuloy ako... ano nga bang gagawin ko kung makikita ko ulit si Blaux?

Ni hindi ko na nga naiisip iyan. Ang tagal din nung huli kaming nagkita. Hindi ko alam kung paanong ganoon, tinupad naman niya ang sinabi niya na bibisita siya ng Lemery paminsan-minsan pag kaya niya tapos one time, hindi na kami nagkita ulit, Ang labo.

Perhaps Its true that when people grow, they grew apart

So if ever that we'll see each other... hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin

Hindi ko kasi alam kung anong nagbago sa kaniya. Wala na kasi akong balita eh.

Was he successful?

I hope he's still the same tho despite that

"Kleyn? Andiyan ka pa ba?"

Napabalik ako sa reyalidad

Ano ba yan? Kausap ko pa nga pala si Mama.

"Po?"

"Ibababa ko na muna ito. Mamaya na lang tayo mag-usap"

Pumayag naman ako at agad na tinapos ang ginagawa

Nakahanap ako ng maliit na apartment sa tulong ni Erman na naging kaklase ko nung college, okay naman na sa akin na ganito. Kasya lang sa isang tao ang apartment, yun lang kaya ng budget ko eh.

Ngumiti ako

Hindi ko alam na ang saya pala sa pakiramdam na ganito, na unti unti ko nang naipupundar ang bagay ng sarili ko lang, walang tulong ni Mama. Akalain mo yun, masyado pa naman akong dependent sa pamilya ko. Kaya ko naman pala.

Kinabukasan ay ginugol ko ang oras sa trabaho, ni hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras, kung hindi pa ako kinausap ni Lea, katrabaho ko.

"Kleyn, lunch?'

Sumama ako para naman makilala ko sila Kahit papaano. Naghanap kami ng malapit na kainan, okay na sa akin para naman makatipid-tipid naman ako. Kuwentuhan kaagad pagkaupo namin.

"Naku, kung may pera nga lang ako eh malamang kasama din ako sa era tour" nanghihinayang ang boses nung babae namin na kasama.

"Pak ka diyan," pag-agree nung isa.

"Yaan mo, pag-iipunan natin yan"

Humagalpak sila ng tawa

"Maingay ba? Pagpasensyahan mo na" bulong sakin ni Lea sa gitna ng usapan ng grupo

Winasiwas ko ang kamay ko. "Mas maingay pa sa Bahay namin" i chuckled.

Sanay na ako sa ganiyan, ako pa ba? Immune na ata ang tainga ko, pag hindi ako pinapagalitan, nagbabangayan naman kaming magpipinsan, kasali ako doon syempre, di ako magpapatalo noh?

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon