Chapter 21

9 2 0
                                    

Chapter 21

"Ate!" tuwang tuwang sumalubong sa kin si Chi sa akin

Natuwa din naman ako kasi ilang taon na kaming hindi nagkikita. Natawa ako ng yumakap siya, hinarap ko siya at pinakatitigan. Mas Lalo talagang nadedepina ang pagiging mukhang koreana niya habang nagdadalaga, grabe kainggit naman

Chin, she is my closest cousin. Close ko naman lahat ng pinsan ko sa mother side pero si Chin talaga pinakanakakasundo ko. 3 taon ang tanda ko sa kaniya, dati ang liit pa niyan. Ngayon matatangkadan pa ako!

Seriously? Umiinom ba siya ng cherifer?

"Ate kamusta?" naeexcite na agad siya. "Ang dami kong chika for you"

Natawa ako. "Ano?"

"Mamaya-"

Natigil kami ng makita sina lolo, lumapit ako kaagad para magbless.

"Kamusta ang maganda kong apo?" ganyan lagi ang line ni lolo, minsan di ko alam kung inuuto na niya ako or ano

"Ayos naman po, kayo? May balakubak pa din po?"

Tumawa siya. Yung usual na 'hihihi' sound, nahawa tuloy ako sa tawa niya. Lolo Bogs, hindi siya nags-shampoo kasi ewan ko din, ayaw niya lang, ganern, kaya naman medyo nagkakaroon ng dandruff, taga suklay ako niyan dati eh, palagi kasi siyang nagpapaiksi ng hair, hindi naman totally na kalbo ang pagupit niya.

My lolo is always wearing a cap tapos minsan mag-sshades pa yan. Palagi din siyang nakamaong na pantalon kasi kumportable na daw siya doon, hindi ko pa nga siya nakikita na magshort ni isang beses.

Nakareceive tuloy ako ng infamous niyang mura, palamura kasi ang lolo ko but it was funny Kahit pa ganoon yung palaging bukambibig niya.

"Ang lola po?" tanong ko kasi hindi ko pa nakikita si lola.

"Si sixth love? Ayun, puntahan mo't nakikipagkwentuhan" my lolo is always telling a story na wala naman katotohanan, sabi niya pang anim niya daw na girlfriend ang wowa kaya 6th love ang tawag niya. Sinasakyan ko na lang siyempre, doon siya masaya eh

"Chin, tara kay lola" pagyayaya ko, pumayag naman agad siya

"Hi Lola, how are you?" pabirong tanong ko sabay mano sa kaniya, nagmano na din ako sa mga kapatid ng aking lola. Nakikipag-usap siya sa mga ito.

"I'm fine"

"Happy Birthday po" I kissed her cheeks. She said thanks and whisper her I love you, I whisper it back.

"Kamusta?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, namamangha.

"Okay lang po ako" tugon ko sa kaninang tanong niya.

Nagtagal ang kuwentuhan namin ng lola bago kami nagpasya ni Chin na bumaba muna. Ang sama namin dahil pinabayaan talaga namin sina mama na mag asikaso nung birthday ng lola.

"Anong ichichika mo?" siyempre hindi ko nakalimutan ang sinabi niya, ano?

We talked about random things, hindi ko na nga namalayan na nakatulog na ako

The celebration starts at 3pm, hindi naman din gaanong kabongga, simpleng salo salo lang pero marami ang nagpunta. Naging abala tuloy ang lahat.

"Si kuya Blaux?" patatanong ni Kate, kapatid ni Chin.

"Papunta na yun"

Hindi kasi yun agad nakapunta kasi hinintay niya muna ang kaniyang mama para sabay na daw silang dalawa dito.

Kasasabi ko pa nga lang ay may pamilyar na SUV na ang pumarada, gaya ng inaasahan ko, bumaba nga si Blaux doon, sumunod si tita, inalalayan siya ni Blaux. Napanguso naman ako at inabala ang sarili sa pagtitimpla ng lemonade. Narinig kong sinalubong na sila ng kamag-anak, siyempre hindi na ako sumalubong kasi araw araw ko naman nakikita ang pagmumukha niyang si Blaux.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon