Chapter 30

9 2 0
                                    

Chapter 30

"Punyeta ka talaga, Mars!" binatukan ako ni Solace.

"Aray ko! Hayop na 'to" sinamaan ko siya ng tingin.

Muntik na kasi siya matalisod, nakakita ng pogi eh tapos ang taas ng heels dahil sa kasisilip niya dun sa pogi, natalisod sa bato.

Ayan ang napapala niya sa kalalandi niya. Hindi naman siya totally na nadapa pero ang epic daw ng nangyari sa kaniya.

Ako pa ang sinisi!

"Hindi mo man lang ako inalalayan!" reklamo niya sa akin.

"Bakit? Lola ba kita, ha?!" pakikipag away ko.

Hindi ako magpapagtalo, noh?

Umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. Pano ba naman, walang nagpatalo sa aming dalawa ni Sol.

Gulat na gulat ako nang makita si Blaux na nakaabang na agad sa akin. Nasa may bungad siya ng eskinita na kadalasan kong dinadaanan bago makapunta ng bahay namin.

"O? Anong ginagawa mo diyan?" natawa ako.

Sinubukan kong kalimutan yung eksenang natunghayan ko kanina.

Mabuti na lang at naidistract ako ni Sol!

Hindi siya umimik at walang sabi lang na kinuha ang bag ko. Malaki ang dala kong tote bag sa dami ng papers na kailangang dalahin, need namin sa research sa komunikasyon eh..

Lintek! Hirap humanap ng source sa tagalog. Yung kagroup ko pa.... well, nice naman sila.

Hindi siya nagsalita, mukhang wala pa yata sa mood. Bakit naman? Diba dapat masaya siya kasi may first kiss na siya? O First kiss ba talaga yun? Baka nga may nakiss na siya sa States!

At kung meron... Anong pake ko?

"Ano ganap?" pagtatanong ko nang hindi na matiis ang katahimikan.

Inismidan niya lang ako

Namilog naman ang bibig ko

"Ang attitude"

Hindi siya nagsalita, hinabol ko tuloy siya sa paglakad at hinila yung bag ko na nakasukbit sa balikat niya.

"Galit ka?"

"Hindi"

O talaga? Ang bilis naman niyang sumagot

"Weh?"

"Tss. I'm tired, Kleyn"

Nanahimik ako dahil mukhang pagod nga siya

Panaka-naka ang tingin ko habang naglalakad kami, tinatantiya ang mood niya.

"May nangyari ba, Blaux?" tanong ko nang hindi na makatiis.

Tinapunan niya lang ako ng tingin. Napalabi na Lang ako, mukhang ayaw niya sagutin.

"Here," he handed me my bag nung nasa may pintuan na kami ng bahay.

Hindi ko yun tinanggap at suplada na dumiretso sa loob ng bahay. Galit naman siya sa akin.

Naramdaman ko na sumunod siya

"Andiyan na kayo" kiniss ko ang cheeks ni Mama at kaagad na umakyat, hindi nililingon si Blaux.

Bago ako makaakyat, narinig ko na kinausap niya si Blaux

"Bakit ganoon ang mukha non? Anong nangyari-" hindi ko na narinig ang sunod na itinanong ni mama dahil sinarado ko na ang pinto.

Nagngingitngit ako, naiirita ako sa asta ni Blaux... nadagdagan pa nung nakita ko kanina

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon