Chapter 19

11 3 0
                                    

Chapter 19

Kinaumagahan ay umalis din naman kaagad si papa dahil may trabaho siya, medyo nalulungkot ako kasi sobrang minsan na lang kami magkasama. Umiyak pa si Chez kanina, nahabol kay papa, kita ko tuloy yung hirap niya na umalis. Inalo ko tuloy agad ang kapatid.

"Babalik din naman agad ang papa, chez" pang-aalo ko, pulang pula ang ilong niyo sa kaiiyak.

Inahatid namin si papa hanggang labasan

Nag-ring ang cellphone ko, nagtaka naman ako kasi wala naman talagang gaanong natawag sa akin. Nakita ko ang pangalan ng aking lolo sa phone, sinagot ko ito.

"Lolo," bati ko kaagad.

"Sino yan?" mahinang tanong ng Mama.

"Lolo Bogs," I mouthed

"O apo," narinig ko ang boses ng lolo tapos tumawa naman siya ng 'hihihi' niya. Natawa din tuloy ako.

"Bakit po kayo napatawag?" tanong ko.

"Kailan kayo uuwi dito sa Cuenca? Naghanda kami ng maraming pagkain mayroong lechon dito"

Natawa naman ako kasi alam ko naman na wala talagang lechon at niyayabang lang ako ng lolo

"Aba'y ang daming handa kahapon dito, mayroong spaghetti..." tapos kung ano ano nang pagkain ang sunod niyang sinabi.

"Sayang at hindi Ninyo natikman, inubos na ni Chi"

I only chuckled. "Yaan niyo na po at ako naman ay okay na sa kape at kanin" biro ko

Nagtawanan kami parehas

"Ay kayo'y pumarine yayain mo ang mga kapatid mo. Nasaan si Chez at aking kakausapin" tinawag ko tuloy si Chez.

"Lolo Bogs!" masigla agad siya sabay kanta ng 'lolo Bogs lilitaw ang buwan at araw'

Narinig ko tuloy ang 'hihihi' ng lolo kasi naka-loud speaker ang phone

Sunod naman na kinausap ng lolo ang Mama. Inalis niya ito sa loudspeaker kasi naririndi daw siya kapag ganun.

Matagal din bago natapos ang tawag dahil alam ko na nagchikahan pa silang mag-ama. Ang alam ko ay tumatawag din lagi ang lolo sa mama, ganoon kasi iyon kapag walang magawa eh, kinukulit ang kaniyang mga apo at anak.

"Ay siya kayo ay maghanda at uuwi daw kayo sa Cuenca sa biyernes at birthday ng iyong lola"

Taga-Cuenca kasi ang aking lolo at doon lumaki ang aking ina, tubong Batangueno kami actually. Tumango naman ako at naexcite kasi makakauwi ulit kami doon. Inayos ko tuloy ang mga kakailanganin, nagpaalam na din ang mama sa boss niya para may pumalit sa kaniya sa duty, may trabaho kasi siya nung araw na iyon.

"Labas lang ako sandali, Ma. Magpapahangin" pagpapaalam ko sa aking ina.

Pumayag naman siya kaagad

Nagsimula na akong maglakad-lakad, medyo naninibago dahil mag-isa lang ako. Ni hindi ko napansin na nasanay na pala ako na kasama si Blaux tuwing naglalakad kami.

Binati ko ang ilang kakilala, sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta, ni wala nga akong masyadong alam na lugar kasi school Bahay lang talaga ako.

Ewan kung bakit ko naisipan maglakad ngayon

Mabuti na lamang at Kahit hindi ko nadala ang cam ay dala ko naman ang cp kaya nag-vlog naman ako.

"Ang awkward pala mag-vlog in public" sabay mahinang tawa. "Hindi ko na din alam ang ginagawa ko sa buhay, tuloy lang ang lakad ko Kahit di naman ako sigurado na siya ang mararating ko" tianawanan ko ang ka-cornyhan ko.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon