Chapter 43

11 2 0
                                    

Chapter 43

Natulala ako sa sinabi ni Blaux

"You may think na madami ang nagbago because we did not see each other for the past years pero sana alam mo na i'm still the same. You could always come to me"

Kinagat ko ang labi ko. For some reason, i felt emotional. Maybe because he figured out what i am thinking. Isa na din siguro sa dahilan kaya bakit may puwang... dahil pakiramdam ko nga ay may distansya na sa pagitan namin.

Dati ang dahilan lang ng distansya namin ay yung pagkacrush ko sa kaniya pero ngayon, ibang bagay na. Mas malalim.

"Whenever you felt sad, happy, tired, lonely... fed up. Please do come to me, makikinig ako" dagdag niya sa kaninang sinasabi, pinahid niya yung luha ko. Puta, sa ganiyan talaga ako mahina eh. Umiyak din ako sa message ng papa nung birthday ko nung seven years old ako, ang bilis kong maging emosyonal pagdating sa ganiyan, parang tanga. "You could always tell me the most mundane things. Ganun pa din, i can swear"

Hinila niya ako papalapit at sinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat, tinapik-tapik niya ang balikat ko. Pumikit ako at pinilit na wag maghabol ng hininga. "What happened?" he asked gently.

Parang kinukurot ang puso ko habang umiiling. "Wala. Stress lang siguro ako"

"Wag mo pakaisipin" he said softly. "You could get through that. I'm sure"

I pouted

Nanahimik ako. This reminds me of our old days, panahon lang siguro ang nagbago pero ganoon pa din. Nawala lahat ng bigat, ang tagal ko ding kinimkim eh. Mas pinipili ko kasi na abalahin ang sarili sa ibang bagay.

Hinaplos niya ang buhok ko, pinabayaan ko naman siya.

"How are you?" biglang tanong niya. Natigilan ako, ilang beses ba niya akong gugulatin, ha?

"Okay... naman"

"For the past years that i'm not present, how are you coping up?" umayos ako ng puwesto at tiningala na lang ang kalangitan.

"Maayos..." tipid kong sagot.

Nangiti ako ng makita yung stars

"Uh-huh? And what did i missed?"

Nginisian ko siya. "Me"

His brow twitched

Humagalpak ako ng tawa, di niyan nagets

"For sure" tumango siya

Hindi ko masyadong nakuha kaya hinarap ko na lang siya ng maayos. Naka-Indian sit ako habang nakapangulambaba na nakatingin sa kaniya.

"Ako naman magtatanong" ngumisi ako habang di inaalis ang tingin sa kaniya. "Kamusta? Sikat ka na. Akala ko di mo na ako kilala, eh"

Inirapan niya lang ako

Suminghap siya bago nagsalita

"It just happen, nagkasundo lang kami magkaibigan na bumuo ng banda" he shared, tumango naman ako, patuloy na nakikinig sa kaniya. "Good thing we all have common interest. Music"

"Buti iyan," inabot ko ang buhok niya. "Galing mo!" binigyan ko siya ng thumbs up

Umiling siya, nangingiti

"How about you? You stopped vlogging"

Mabagal akong tumango. "Ah, yun. Wala. Ewan, isang araw nawalan na lang akong interes"

Hindi niya inalis ang tingin sa akin. "You could still do it, only if you want"

Umayos ako ng puwesto. "Ewan, di ko pa feel"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon