Chapter 34

6 2 0
                                    

Chapter 34

Hindi ko alam kung paano kami eksaktong nakarating sa Lemery. Tito Inggo indeed fetched us, tahimik lang siya pero minsan naman ay kinakausap siya ng Papa. Ako naman ay nakadungaw sa bintana, malalim ang iniisip.

My siblings are silent as well, ubos na ata energy kasi nagpasok pa sila kanina sa school. Wala pa silang alam kung bakit kami umuwi ngayon, hindi namin masabi-sabi.

Medyo maingay nung makarating kami sa Lemery, naglalaro ang mga bisita ng baraha.

Actually, positive ang aking pamilya, pinalaki kami na marunong magdala ng problema na Kahit gaano pa kabigat yun, kaya namin maging positive.

My grandparents raised my parents well..

Hinanap ko kaagad ang aking lola, nag-aalala sa kaniyang reaksyon

Naabutan kong nakikipagkuwentuhan siya sa kaniyang mga kapatid na lola ko din siyempre. Nagbless ako sa lahat.

"Lola," agaran kong niyakap ang aking Lola.

Hinagod niya ang likod ko, hindi siya umiiyak pero ramdam ko yung lungkot niya.

"Namahinga na ang iyong lolo... tapos na ang kaniyang takbuhin"

Bumuntong hininga ako at humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya

Nalingonan ko ang kabaong ng aking lolo, halos hindi ko naman matingnan.

Alam mo yung feeling na ganun? Kahit nasa harap mo parang di pa din tunay

I feel like he's still in Cuenca, busy sa kaniyang trabaho

Umuwi si tito Roug na sobrang emosyonal kaya naman kinakailangan siyang dalhin sa Bahay nina tito sun para mapakalma. Siya kasi ang bunso sa magkakapatid

Kasama ko si Ate Xy, naging emosyonal siya Lalo na si ate Ky. Hindi naman ako makaiyak

"Asan po pala ang mama?" tanong ko nang makasalubong si Auntie Mikee na busy sa pag aasikaso ng mga nakiramay.

"Ayun, nag-aayos doon" tinuro niya si mama na abala

Nilapitan ko siya, napatigil siya sa paggawa

"Ma," nagkiss ako sa cheeks niya

Alas dos na ata kami nagsitulogan, pinili ko na kina Tito Sun muna tumambay. Ang bigat makita ng kabaong ng lolo ko doon. Up until now, i still don't know what exactly happened, hindi ko din matanong sina Mama kasi masyado siyang busy.

Nilapitan kami ni Luke na kanina ay hindi kami pinapansin pagkadating at masyadong busy sa pag-babaraha

Namumula ang mata niya

"Anyare?" ako ang nagtanong

Nagkatinginan kami ni ate Xy. Kahit walang sinasabi si Luke, nakuha na namin kaagad

Nag-iwas ako ng tingin ng magsimula na siyang magsalita

"Kausap ko lang si Lolo kahapon..." humagulhol siya pero patago, takot makita ng lola. Hinagod namin ang likod niya, si ate Xy ay umiiyak na din. Masyadong overwhelming sa akin iyon kaya natulala na lang ako. "Biniro ko pa siya... Sabi niya..." naghahabol hininga siya. "Kung gusto ko daw yung... sapatos... Ibibigay niya daw sa kin pati daw yung motor.." hindi na niya maituloy ang sinasabi sa sobrang emosyonal niya.

And to tell you, hindi basta basta umiiyak si Luke. Ngayon ko lang siya ulit Nakita na umiiyak simula nung magbinata siya

"Tapos... tapos'

"Shh..." pagpigil ko kasi mukhang hindi na niya kaya pang ituloy

Umiling siya. "Ingatan ko daw sina Lola... pati daw kayo"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon