Chapter 7

11 3 0
                                    

Chapter 7

"Jusko, mahabagin" gulat na gulat si mama nang datnan kaming dalawa ni Blaux. Sinasabunutan ko kasi siya habang nakasalampak sa sahig, nasa ibabaw niya ako. Natanto ko kung gaano kaawkward yung posisyon namin Lalo at conservative si mama.

Doon ko lang Nakita ang dalawang makukulit na kapatid na pinipicturan kami sa ganoong posisyon. Umayos tuloy ako kaagad at tumikhim na parang walang nangyari, si Blaux naman ay parang estatwa na ngayon habang nakatayo.

Sinanggi ko siya. "Kaw kasi" paninisi ko, sinabihan niya kasing mukhang pusa yung oppa so napikon ako Lalo at sunod sunod ang flow ng aming asaran. Wala namang naging imik si Blaux, mukhang natatakot. Gusto ko tuloy tawanan ang pagumukha niya kaso baka masabunutan ako ni mama sa harapan niya kaya pinili kong huwag na. Mapapahiya lang ako. Pass.

"Mama" patay malisya ako tsaka lumapit at kiniss ang kaniyang cheeks, yung mukha niya naman ay hindi maipinta. Kasama niya pala si tita na wala ding imik, mukhang dinibdib yung nangyari kanina.

"Tita, hi po" I kissed her cheeks as well.

"Oh, Kleyn. How are you?" aniya. Mabuti naman at ganoon ang naging approach niya, medyo nabawasan din ang tensyon dahil doon.

"Ayos na ayos tita" ngumisi pa akong malapad at sinukbit ang kamay sa kaniyang braso para takasan si mama na mukhang konti na lang ay bubuga na ng apoy.

"Kailan tayo magb-bake ulit, tita?" pagtatanong ko.

Ibinaba niya ang pinamili sa lamesa namin

"Anytime you want, hija" her face then turned to worried, mukhang alam ko na saan papunta ito. "What happened kanina? Why.. the position?" alanganin siya.

Alanganin akong ngumiti. "Naku, tita alam niyo naman po na nakakapikon si Blaux as always-"

"Alam mo Kleyn na hindi ako tutol kung sakali na magkasundo kayo pareho ni Blaux pero wag naman sana na ganoon ang ipapakita niyo sa amin" mabilis na nakasingit si mama sa usapan na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Ma! Ano bang sinasabi niyo?"

Kita ko si Blaux na buhat ang sako ng bigas na siguro ay kasama sa pinamili ni Mama.

"Tita, nagkakamali po kayo ng iniisip" sabi ni Blaux sabay kamot sa batok, Mabuti na lamang at naunahan niya ako kasi halos wala akong masabi sa naririnig kay Mama. Ano ba naman yan?

"Hindi po kami. Kapatid ko na yan eh" pinigilan ko mairita kasi pangit naman na salabungin si mama na mainit din ang ulo.

Tumango siya. "Mabuti nang malinaw. Hindi mo alam kung anong naisip ko nang makita ko kayo kaninang ganoon pagkatapos ng mahabang pamimili"

"Learn to respect Kleyn, Blaux" singit ni tita.

Nice one, tita

"Si Kleyn ang nakapaibabaw, Janine"

"Mama! Ang pangit sa ears" reklamo ko. Kahit medyo totoo naman ay dapat hindi ganoong terms ang ginagamit. Nakakaloka lang!

"Ay naku, Kleyn sinasabi ko sayo! Sa lahat ng madadatnan ko, wag namang ganiyan, nakakahiya ka!"

"Even so, Blaux is the guy. He should be the bigger person" giit naman ni tita.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang magulang na naging boses na naming mga anak. Nagkatinginan kami ni Blaux at isang tango ay alam namin na nagkasundo na kami sa isang bagay. Hindi nga lamang yung iniisip ni Mama. Kakarumi talaga

Hindi napansin nina Ma na nakalabas na kami ng Bahay

"Anong oras kaya silang matatapos doon?" tinutukoy ko ang argumento ng dalawang ina.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon