Chapter 8

9 3 0
                                    

Chapter 8

Madilim na nung magising ako. Nagpalinga-linga ako at natanto na nasa kotse nga pala ako, hinanap ko si Blaux kasi siya lang naman ang kasama ko kanina.

Asan na ba ang ugok na yun? Di man lang ako ginising tapos basta na lang ako iniwanan dito. Ganyanan, erp.

"Blaux?" tinawag ko siya, iniisip na baka nagtatago lang sa ilalim ng gulong pero walang sumagot.

Natawa ako nang maaninag siya sa hood ng kotse, nakatingala tapos nakapikit. Nagninilay-nilay yata. Ano kayang pinoproblema nitong si Blad Xion? Speaking of, nagtatampo nga pala ako diyan kanina, katawa yung reason, grabe. Antok lang naman yata yun

Hay naku, Kleyn!

Nilabas ko siya ng kotse. "Drama mo in life?"

Binalingan niya ako ng tingin. "Your awake" he told me.

"Ay hindi, tulog pa ako" pamimilosopo ko tapos tumabi sa kaniya. Angas lang, kita naman niyang gising na gising tapos ganoon sasabihin. "Bakit di mo ako ginigising ha?! Abno ka, gabi na ah?" Singhal ko.

Natawa siya. "Your snoring, I can't afford to ruin your sleep"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya

"Kapal ng mukha mo!" sabay sampal ko ng pabiro sa mukha niya. Tinawanan niya lang ako, napanguso naman ako kasi hindi talaga ako naniniwalang humaharok ako, mas naniniwala pa ako na isinusumpa ko siya sa panaginip ko.

"Buti hindi ako hinahanap ni Mama" sabi ko nang maalala si mama na napupuna ang lahat.

"Nah, she brought you food" napatango tango lang ako. "Gutom ka na ba?" I nodded again.

"Kunin mo food sa kotse" pag-uutos ko. Inirapan niya ako pero sumunod din naman. Takot talaga sa akin.

Binigay niya sa akin yung ensaymada, hindi kasi talaga ako nagkakanin sa dinner kasi sumasakit ang tiyan ko sa hating gabi kaya di ako makatulog ng ayos. Ngiting ngiti ko yung inagaw sa kaniya, nailing na lang tapos may binulong na hindi ko na naiintindihan. Di ko na lang pinansin dahil wala akong time sa kaniya.

"Di ka na galit?" biglaan niyang tanong, sumabit tuloy yung tinapay sa may lalamunan ko.

"Galit?" natawa ako. "Bakit naman ako magagalit? Buhay mo naman yan, dapat wala akong say kung ayaw mong magpaka-honest Kahit never ako nagsinungaling sa Iyo" pabiro kong hugot sabay shrugged.

Tamang guilt tripping lang

Hindi siya umimik. Tinuloy ko na lang tuloy ang pagkain, bahala na siya sa life niya. Pero hindi din ako nakatiis at nilingon siya, ang tahimik eh.

"Bakit ganyan ka makatingin? Abno ka" I glared at him.

"I'm sorry" he apologized, looking so serious.

Napaawang bibig ko, hindi bagay sa kaniya. Nakakakilabot

"Uy, joke lang! Seryoso nito" binawi ko agad, grabe masyadong dinibdib. "Okay na yun, para kang tanga. Antok lang ako kanina kaya ganoon. Moody" I casually shrugged then took a bite of my ensaymada.

"Something just happened-"

Tinakpan ko ang bunganga niya

"Ingay. Goods na yun. Ang lame naman eh"

Ngumiwi ako. Ikinahihiya ko ang sarili kanina, wala sa lugar masyado

"Here," isinalpak niya ang kabiyak ng kaniyang earpods sa akin. I smiled and listen to the song, it was 'RomCom'

Nakatingin lang ako sa stars habang patuloy ang pagplay ng kanta. Pinaka-favorite ko talaga ang gabi sa lahat, walang maingay. Ang ganda pa ng ambience kaya perfect magsenti.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon