Chapter 35

9 2 0
                                    

Chapter 35

Ni hindi ko namalayan ang paglipas ng isang linggong iyon, tulog ba naman ako maghapon, ewan ko na lang.

"Ayaw ko na pumasok" pagrereklamo ni Jona

Hinagod ko naman ang likod niya

"Gwenchana" ibinalik ko yung lagi niyang sinasabi sa akin na words

Nakapagshift na si Blaux ng sched kaya consistent na ulit ang paghatid sundo niya sa akin

Wala namang interesanteng nangyari sa akin this week. Paulit ulit lang.

"Shet. Anong oras na?" bulong ko sa sarili. Nakatulog kasi kaagad ako pagdating ko sa Bahay, may assignment pa naman ako! Hindi ko nagawa

Chineck ko ang oras at kita na 4am na. Potakte!

Dali-dali kong kinuha ang bag at nagsimula nang gumawa. Pakshit! Kailangan kong magmadali dahil may klase pa ako.

Pagkabuklat ng notebook ko ay nagtaka ako kasi may nakasulat na doon na sagot

Kumunot ang noo ko, nakapagsagot ba ako bago pa man makatulog?

Sinubukan ko tuloy na alalahanin

"Mama, nakapaggawa pa ba ako ng assignment pagdating ko kahapon?" tanong ko sa kaniya, abala siya sa pagluluto ng ulam.

"Ha?" nagtaka siya. "Malay ko sa Iyo, sarili mo yan sakin mo itatanong?" i pouted at her response.

Ke aga aga, nasungitan ako?

Hinatid ako ulit ni Blaux papuntang school, buti nga at hindi gaanong malayo yun sa school niya eh

"Hindi ba sayang sa gasolina?" pag-start ko ng usapan

He only shrugged

Nagtagal ang titig ko sa kaniya

"Ginawa mo ba ang... assignment ko?"

He glanced at me tapos hindi ako inimik

Hindi ko na kailangan ng sagot, alam ko na kaagad

"Bakit mo ginawa? Mas nagfocus ka dapat sayo"

Hindi niya ako pinansin kasi nakarating na kami sa school

"I know your tired, hindi naman din ganoon kadami"

I nodded, pouting

"Sa susunod hayaan mo na lang ako ang gumawa ng assignment ko. Gawain ko yun eh"

Pero makulit siya...

Ewan ko ba kung bakit palagi akong nakakatulog. Ang weird dahil hindi naman talaga ako antukin

"Hindi ka na kumakain, Kleyn!" pangsesermon ni Mama

Hindi naman sa sinadya ko, talagang nakakalimutan ko na lang ang pagkain. Palagi ba naman akong nakakatulog

Napilitan tuloy akong kumain para matapos na ang Mama sa kaniyang mga litanya. Pati ba naman kasalanan ko nung day care inuungkat pa eh, pambihira naman!

"Pag talaga ikaw ay nagka-ulcer, maintindihan mo! Pababayaan naman kitang lintek ka!" yan ang naabutan ni Blaux na sinasabi ni Mama

I frowned

"Tita..." he kissed my mama's cheeks

I rolled my eyes

"Oh, hijo" si Mama na agad naman nag-iba ang mood nung may tao na.

"Ano pong nangyayari? Matigas po ulit ang ulo ni Kleyn?" mapaglaro niyang tanong

Umismid ako at minadali ang pagkain

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon