Chapter 6

8 3 0
                                    

Chapter 6

"Wazzup Guys!" pag-iintro ko sa aking vlog.

"Boring ng intro mo," aniya kasama ko. Palihim ko Siyang kinurit sa binti, papansin talaga. Imbes na masaktan ay natawa pa siya.

"So, i'm with my rumor boyfriend... Blaux!" sabay hagalpak ng tawa.

"Ang saya, ah?" dinig kong bulong ni Blaux. Napakaano talaga. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdadadal about recent happenings sa aking life.

"Well, I have something to say" sabi ni Blaux, natuwa naman ako at nakicooperate na siya. "Kleyn cut her class-"

"Oy, foul!" sabay sabunot ko sa kaniya ng very light.

Buong oras tuloy ay puro away ang ginawa namin, umabot ata yun mga 45 minutes.

"Before I end this vid, I just want to clarify Blaux presence here" sabi ko. "He's only my bestfriend so stop haha. Nakakaloka kayo, kinikilabutan talaga ako everytime na naririnig yun. He's like a brother to me"

Nakita ko si Blaux na abala na sa pagbabasa ng libro. Walang pakialam sa sinasabi ko, partida naka-earpods pa yan. Keri lang, hinila ko lang talaga siya eh miski nag-aaral, kaya ganyan siya at walang kagana gana sa buhay. He's wearing a black rimmed glasses, nasakit daw kasi mata niya kapag nagbabasa ng matagal.

Kaseselpon kasi ayan ang napapala

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nang malinaw, naasiwa talaga ako tuwing naririnig ang salitang ganun. Para akong sinusumpa!

Weeks have been busier after that, yun na yung naging last vlog ko sa sobrang tight ng aking sched. Grabe, pwede bang pumanaw nalang?

"Hoooo! Mamamatay na akooooo!" ekseharada na si Sol.

"Napaka-oa" pambabash ni Selena.

"Hindi pa yan sukdulan girl" si Keira naman.

Natawa nalang ako, wala na maidagdag. Sagad na sagad na ako sa sabay sabay na requirement, ganito ba talaga sa senior high? What more pa kaya sa college?

Hayss. Tigil nalang ako

Siyempre charot lang yun

Pinisil ni Blaux ang pisngi ko habang naglalakad kami, one time. Walking at night really feels nice, after ng week of stress, deserve ko ito.

"Acads, again?"

I pouted then nodded

"Want an ice cream?" he offered.

I become excited. Tumango ako at kumapit sa braso niya, naghanap siya ng mabibilihan ng ice cream. Since gabi na wala nang manong na naglalako ng dirty ice cream eh yun pa naman ang gusto ko. Buti na lang at may bukas na sari sari store kaya binili na lang niya ako ng ice cream in cup.

"Strawberry" he said handing me the ice cream.

Bumili na din siya ng para sa kaniya. We continue to walk then stopped to sit on a bench after a few while.

"Done with the assignments?" he asked me.

I simply nodded, still enjoying the delight of eating an ice cream. I felt alive again after feeling dead at school.

Nanahimik kami, dinadama ang panggabing hangin

"Sana laging ganito. Payapa lang. Walang problema"

"Yeah, right" he responded.

Kinuha niya ang phone sa bulsa niya. Humarap naman ako sa kaniya habang abala siya sa pangangalikot ng phone niya.

"Blaux"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon