Chapter 20

13 3 0
                                    

Chapter 20

Nawiwirduhan na sa akin si Blaux

"Why d'you keep on looking at me? Your creeping me out"

Umismid ako, nakatitig pa din sa kaniya. "Ang panget mo"

Tama. Panget siya kaya bakit ko magugustuhan ang kupal na ito? Pinagmasdan ko siya, itinabingi ang ulo at mas lalong inobserbahan ang kaniyang pagmumukha, kinukwestiyon ko na talaga ang taste ko. Just like what I have noticed, mukha talaga siyang Koreano. Hindi naman ako mahilig sa mga Koryano... pero crush ko si Ji Chang Wok

Kaya bakit si Blaux? Hindi niya naman kamukha yun?

Pinitik niya ang noo ko, nagdadrive pa yan sa lagay na yan. "Stop that"

Pero hindi ako nakinig. Nanitig pa Lalo ako wala naman na siyang nagawa kundi pabayaan ako, nakuha ko pang sundutin ang ilong niya, inilag niya tuloy yung mukha niya, mukhang kakaunti na lang ang natitirang pasensya para sa akin.

Hindi ako papayag na crush ko siya, namaligno lang ako kanina panigurado

Mabilis naman kaming nakarating sa Bahay, hinatid ako ni Blaux papasok sa Bahay, hindi naman na din siya nagtagal at mabilisan nang umalis.

"Mama..." tinawag ko si mama, nagkakape siya ngayon. Gaya ng sinabi niya kanina, hinintay niya nga ako ngayon.

"Oh?" she sipped in her coffee

"Nagka-crush ka na ba dati?" kanina pa ako binabagabag ng mga pangyayari kanina. Sure, nagkacrush ako pero hanggang artista lang tsaka fictional charac.

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo natanong?"

Hindi ako sumagot at ngumuso lang sa kaniya, namomroblema talaga ako. "Oo, nung bata pa ako" Mabuti at sinagot niya yung tanong ko.

"Bakit niyo naging crush yun?"

Napaisip naman siya, mukhang hindi na natatandaan. "Ewan... matalino, ganun?" nagkibit siya ng balikat. She looks at me suspiciously. "Bakit mo naitanong yan, Kleyn? May crush ka na?'

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam, mama. Naiinis ako" sinabunutan ko ang sarili. "Crush ko na ata si Blaux" pag-amin ko sa kaniya.

Inaasahan ko na magugulat siya pero nang tingnan ko naman siya ay halos walang nagbago sa kaniyang reaksyon.

"O ano naman? Crush mo lang naman. Normal yan, Kleyn Lalo sa edad mo" mas lalong sumimangot ang mukha ko.

"Pero kaibigan ko yun Ma, parang kapatid na" pakikipagtalo ko. "Ang weird"

Natawa siya

"Mama kasi" paiyak na yung boses ko, Lalo tuloy tumawa si ma. "Seryoso kasi ako"

"Ganyan talaga ang buhay anak. Kahit gaano mo kaayaw, mangyayari" ngumiti siya. "Lalo na kung nakatadhana"

Tadhana amp

Ngumiwi ako

"Matulog ka na, mapupuyat ka na naman kaya tanghali ka nang nagigising" tapos umakyat na siya para makapagpahinga na

Kinabukasan, hindi na ako nagtaka pa na tinanghali ako ng gising, hindi naman ako gaanong nakatulog kagabi.

"Si mama?" tanong ko sa dalawang kapatid.

"Umalis na ate, nagwork" si Chezka ang nagsabi.

Tumango naman ako, may pagkain na pala nailuto ang mama kaya nagpasya na akong umakyat para miayos ko na ang gagamitin sa Cuenca.

"Okay na itong damit na ito sa Iyo Chezka?" tanong ko sa maarteng kapatid.

At dahil hindi siya satisfied sa choice ko ay namili siya ng iba. Si Marc na ang naghanda ng damit niya para sa kaniya, ayaw kasi nun na may ibang nahawak ng gamit niya, napakaarte. Ako lang talaga ang pinaka-matino sa pamilya.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon