TEASER

322 8 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kaba ko habang binabagtas ko ang daan papunta sa sinabi sa aking hotel room number.

Napahigpit ang kapit ko sa bag na hawak ko.

Dumadagundong ang puso ko at pinagpapawisan ako sa kaba, pilit iwinawaksi sa isipan ang mga posibleng masaksihan ko sa oras na makita ko ang nasa likod ng pintuan ng silid.

Mabibigat ang hakbang na tinatahak ko ang hallway hanggang sa makarating ako sa isa sa mga kwarto roon.

Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan ang seradura ng pinto.

Paano kung mali ako?

Paano kung puro paghihinala at walang katotohanan ang lahat ng impormasyong nakarating sa akin?

Paano kung ibang tao pala ang nasa loob?

Pero—

Paano kung totoo ang lahat ng nalaman ko?

Anong gagawin ko?

Dala ng kuryosidad ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok sa loob noon.

Agad na nag-unahan ang mga luha ko sa sitwasyong nadatnan ko sa loob.
Napatakip ako ng bibig at hindi ko malaman ang gagawin ko sa nasaksihan.


Ang magaling kong asawa ay nandito mismo sa loob ng hotel room.
Walang saplot sa katawan at nakayakap sa kung sinong babae sa kama na katulad niya ay kumot lang ang nakatakip sa katawan.


"I KNEW IT!!!....DAPAT NANIWALA NALANG AKO SA KUTOB KO NA HINDI KA NA MAGBABAGO!!"

Napabalikwas naman ng bangon ang babae na animo'y naguguluhan sa mga nangyayari.

"Why are you so loud? I still want to sle—WHAT THE FUCK IS HAPPENING?!!"
Nanlaki ang mga mata nito ng makita akong nakatayo sa harapan niya.

"BUONG AKALA KO NAMAN NAGBAGO KA NA TALAGA!! PERO  MUKHANG MALI AKO....
HINDI MO TALAGA KAYANG PANINDIGAN ANG SINASABI MONG PAGMAMAHAL!!!!!"

"It's not what you t—think it is....l—let me explain, please."

"THAT'S IT!"
Sabi ko at pinunas ang luhang naglalandas sa mga pisngi ko.

"PAGOD NA PAGOD NA 'KO SA'YO!!! MAGSAMA KAYO NG HALIPAROT NA 'YAN!!
ITUTULOY KO NA ANG DIVORCE TUTAL NAMAN MAGALING KA NA!!"

Sabi ko lang at nagmadaling umalis doon.

Ayoko na, pagod na akong maniwala na magbabago pa ang babaeng minsan ay kasama kong nanumpa nung araw ng kasal namin.

Sawa na akong paglaruan, lokohin at pagmukhaing tanga ng babaeng iyon.

Ayoko na talaga.

Let's face it.


I am just a SMALL
part of your BIG world.


°°°

SOON

KeiVeeTee






BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon