VAST
"Oy anak! lumabas ka na riyan at hinihintay ka na ng asawa mo dito....Pambihira kang bata ka! Umuwi ka dito ng hindi nagsasabi kay Molly, napasugod tuloy dito sa pag-aalala."
Malakas na ani ng mama ko mula sa sala.
Tss.
Eh ano naman kung nandito siya—
ANO??!
Upang makasigurado ay dali-dali akong pumunta ng banyo at nag-ayos ng sarili.
Nang sa tingin ko ay presentable na ang itsura ko ay pumunta na ako sa kung saan sila naroon. Pilit kong pinapormal ang sarili ko na kunwari ay hindi ako nagmadali—ay este hindi naman talaga ako nagmadali."Callie—"
Mahinang tawag ng arkitekto sa pangalan ko.
Tatanungin ko sana ang nanay ko kung bakit pinapasok pa ang babaeng ito na dapat ay pinakagat o kaya pinahabol ko na lang dapat kay Zorro, kaya lang ay hindi ko na namalayan na lumabas na ang ina ko—malamang gusto kaming bigyan ng space ni Molly."What are you doing here? Don't you have any work?"
Malamig na tanong ko sa kanya sabay tingin sa mga gamit na dala niya.Maleta? Bakit may dala siyang maleta? May business trip ba siya? Well, paki ko ba?
"I already filed a week-long leave since I'm staying here for the next few days."
"Sino namang nagsabi na pwede ka dito?"
Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya na sinundan ko pang paghalukipkip.
"Mommy."
Tss Mommy.... talagang pinangatawanan niya yung pagtawang ng 'mommy' sa nanay ko.
Eh, ba't di siya maghanap ng magiging mommy niya at 'wag siyang mang-agaw ng nanay ng may nanay."Fine, you can stay here if you want.....I'm leaving."
Sabi ko sabay talikod na para bumalik nalang sa kwarto ko. Adik ba siya? kaya nga ako umuwi dito ay para lumayo sa kanya at makapag-isip tapos makikita ko lang siya dito?
Nawalan tuloy ako ng gana mag-almusal.
Kung dito siya mananatili sa mga susunod na araw ay ako na lang ang aalis, tatawagan ko na lang si Eli at magpapasundo sa kanya dahil iniwan ko na maski ang kotse na ginagamit ko.
Kinuha kong muli ang maletang dala ko at inaayos ang mga dadalhin ko.
Narinig ko naman ang tunog ng hakbang na papalapit sa akin pero hindi iyon pinansin."I'm sorry about what I said.....I didn't mean to offend you. I was just confused because I don't know what really happened."
Mahinang sabi nito at umupo sa kamang tinutulugan ko at pinapanood ang kilos ko.
Kasalukuyan kong sinasarado ang maleta dahil nailagay ko na lahat ng kakailanganin ko.
Hindi ako sumagot sa kanya kaya narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga nito."Oh yeah? bahala ka sa buhay mo, sabi naman ng doktor mo na kusang babalik ang mga ala-alang kailangan mong malaman kaya siguro naman mabubuhay ka na ng mag-isa?"
"But you promised—"
"And I am taking back what I've said."
Pinal na sabi ko kaya napatahimik ang babae
Pagtukoy ko sa naging pangako ko sa ospital na hindi ako aalis sa tabi niya hangga't hindi tuluyang umaayos ang kondisyon niya.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...