Chapter 34

262 9 0
                                    


VAST


"Molly? What—"
Tanong ko habang pasimpleng pinagmamasdan ang paligid—Maganda.
Maganda ng disenyo ng lugar at talagang pinag-isipan mabuti ang mga dekorasyon.
Napahinto ang mata ko sa babaeng prenteng nakaupo sa isang mahabang sofa sa gitna mismo ng silid na ito.




"Sit, we need to talk."
Sabi ng babae na diretsong nakatingin lang sa  mga mata ko. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil masyadong seryoso ang mukha nito.



"A—nong kailangan mo?"
Naiilang na tanong ko sa kanya.



"We need to talk."
Pag-uulit niya sa sinabi niya kaya naman napatingin ako sa paligid.



Dito talaga?
Sa bar? Kung saan madaming lasing, maingay at madaming tao? eh?
Tumango na lang ako at umupo, eh di mag-usap kami dito.
May kinuha ito sa bag niya pagkatapos at inilapag iyon sa upuan habang ako naman ay umupo sa tabi niya—hindi masyadong malapit, sapat lang para magkaintindihan kami.



"Care to explain what is this?"
Inilapit nito sa akin ang isang brown envelope na kinuha ko naman at nagtatakang binuklat.
Shit! Yung kontrata!
Bigla akong nakaramdam ng pamamawis at kaba, hindi ko sinabi sa kanya kailanman ng tungkol sa kontrata. Ayokong makadagdag pa iyon sa isipin niya. Hindi pa nga bumabalik ng isangdaang porsiyento ang memorya niya ay guguluhin ko pa siya?


"Uh—"
Napayuko tuloy ako sa kawalan ng sasabihin.


"Dare to lie and I'll kill you."
Pagbabanta pa nito sa akin.


"Sino ka ba talaga?"
Sunod nitong tanong.


"Yung kasal? Totoo ba yun o baka peke lang?"
Mas lumapit pa ito sa akin kaya naman mas lalo akong nahihirapan sumagot sa kanya ng maayos.



"Speak!"



"T—totoo yung kasal."
Panimulang sabi ko kaya napahinto naman siya. Tinaasan ako ng kilay na para bang sinasabing 'oh tapos?' kaya naman itinuloy ko ang pagsasalita.


"Contract marriage talaga ang nangyari kagaya ng nandyan sa papel....ang usapan ay ikakasal tayo tapos maghihiwalay after a year."
Yung lang ang nakaya kong sabihin.



"Why?"
Kunot-noo pa ito na parang hindi kuntento sa sagot ko.



"Eh kasi ganito yung nangyari—"
At sinimulan ko na nga idetalye ang lahat ng nangyari sa kanya magmula ng kung paano kami nagkakilala hanggang sa nangyaring viral post online na humantong sa kasalan.
Maski nga ang mga naitulong niya sa akin at sa mama ko ay naikwento ko—walang labis, walang kulang.




Tumango-tango naman siya bago nagsalita.



"I can't believe what happened!.. I assumed we were married because we loved each other, so I didn't ask a thing about us. This is complete bullshit.....Are you still here for money? Since you are technically my wife, you have complete access to my money. I even let you run the university and the new clothes line."
Nagipigil ang galit na nagtanong ito sa harapan ko.


Aba't!




"Hoy!"
Hindi ako nakapagpigil at hinampas ang mesa sa harapan kasabay ng pagtayo ko sa harapan niya. Hindi naman ito agad sumagot at bored na tiningnan lang ako.



"What? Did I hit the right spot?"
Mapang-uyam na tanong nito.


Nag-iinit ang ulo ko sa babaeng ito! Aba ang kapal naman ng mukha niya na akusahan ako ng mukhang pera! Eh sa totoo lang ay siya naman ng nagsimula ng kalokohang ito...Isa pa, ni hindi ko nga hiningi sa kanila na bigyan ako ng parte sa negosyo nila tapos ngayon ako ang lalabas na manggagamit!
HOW DARE SHE?!!


BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon