AN:
Hi Guys!
So ayun, calm before the storm
ang peg ng mga susunod
na chapters.
At thank you kung umabot
ka sa part na 'to.
THANK YOU.°°°
VAST
"Urgh!— I HATE THIS."
Kanina ko pa naririnig ang reklamo ng katabi ko na kulang na lang ay itapon at punitin lahat ng retaso at gunting na nandito."Ouch!—The fuck! I don't wanna do this anymore!"
Inis niyang ibinato ang aida cloth na may nakatusok pang karayom. Napailing nalang ako sa iksi ng pasensiya ng katabi ko.
Nasaan kami?
Handicraft Workshop at kasama ko lang naman si architect na kanina pa nakasimangot dahil hindi sila magkasundo ng aida cloth at karayom para maayos ang pagko- cross-stitch n'ya."Ouch—Damn! I swear I'm gonna burn this place!"
"Huy, bibig mo naman."
Saway ko sa babae.Kanina pa kasi niya sinusubukan gumawa ng disenyong puno sa tela gamit ang mga sinulid na hindi naman niya magawa. Nandito kami ngayon sa workshop dahil pinilit niyang sumama sa'kin para daw ma-relax siya, yun nga lang ay mukhang hindi tumatalab ang salitang iyon sa kanya ngayon.
Sa lugar na ito ay maaari mong matutunan ang iba't-ibang gawain na makakatulong para mailabas mo ang 'creativity' at ang 'artistic' side mo.
Mayroong workshop para sa embroidery, crocheting, weaving, painting, pottery at kahit nga yung mga wood works tapos silversmithing ay maaari mong matutunan sa lugar na ito.
Halos lahat nga ay interesado akong subukan— wala lang, dagdag skills at pampaganda ng resume."Alright! I'm done."
Nakangiti kong itinaas ang ginawa kong cross-stitch ng puno ng kawayan sa gitna mismo ng tela."Tss, yabang."
Dinig ko pang bulong nito."I am still the better painter."
Dugtong pa nito habang nakatingin sa dalawang painting na nasa gilid ng silid at kasalukuyang pinapatuyo namin.
Iyon kasi ang pinakauna naming ginawa pagdating namin dito.
Maayos na din naman sa paningin ko ang gawa ko — hindi na masama, hindi kasing galing nung gawa ni Molly pero di rin papahuli.'Ano naman ang laban ko sa kanya eh arkitekto siya?'
At hindi na kataka-taka sa kagaya niya ang magaling gumuhit at magpinta. Duh?!
"Eh, ano naman ngayon kung mas magaling ka sa painting?...mas magaling naman ako sa'yo sa pananahi."
Mayabang na sagot ko sa kanya kaya inirapan lang ako ng babae."Good for you."
Umirap pa ito ng sabihin iyon, halatang pikon na.Marami pa kaming sinubukan sa lugar na ito kaya literal na nakalimutan na namin ang oras dahil sa sobrang pagkalibang namin sa mga activities dito, maski nga ang magmaneho pauwi ay di na kinaya ni Molly sa sobrang pagod kaya pinapunta niya pa ang driver nila para ipagmaneho siya.
PAGKATAPOS, hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng biglaang leave dahil na rin sa pakiusap ng tatay ni Molly.
Hiniling daw kasi ng unica hija niya na pagpahingahin ako sa eskwela at sa trabaho para masabayan ko siya sa pagbabakasyon niya sa firm niya. At take note, siya mismo ang kuma-usap sa mga propesor at sa sekretarya ko.Nice!
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...