Chapter 7

118 5 0
                                    

VAST

"Mag-iingat ka dun anak, ha?"
Sabi sa'kin ng nanay ko.

Ngayon kasi ako lilipat sa bahay ni Molly, walang ideya ang nanay ko sa ginawa kong pagpapakasal sa ibang bansa. Tanging si Eli lang ang sinabihan ko, maging siya ay tumutol sa naiisip kong gawin pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na magpatuloy ang pagpapagamot sa inang maysakit.


Nandito ako ngayon sa kwarto ko, inaayos ang maletang naglalaman ng mga gamit ko.

"Basta anak pag mahirapan ka sa amo mo doon, umuwi ka agad dito sa bahay ah."
Iyon ang alam niya.
Ang sinabi ko kasi ay nakahanap ako ng trabaho sa malayong probinsiya sa tulong ng isa kong kakilala. Ang sabi ko pa nga ay  garments din na may kasosyo sa ibang bansa ang pupuntahan ko at hindi gaanong nalalayo sa trabaho ko sa patahian.


"Opo."
Sabi ko at niyakap ang ina na magmula pa kanina ay nagpipigil na ng iyak.

'Sorry Ma.'
Hindi ko sinasadyang magsinungaling.

Hindi ko na itinanong kung paanong napanatiling pribado ang pagkakakilanlan ko kahit pa may lumabas na issue tungkol sa pagpapakasal ng arkitekto sa misteryosong babae.

Nagagawa nga naman ng pera.

Pagkatapos kumalas ng nanay ko sa pagyakap ay siya namang paglapit ni Eliziah sa akin.


"Ako na ang bahala. I'll take care of her."
Sabi ng kaibigan ko, nangako ito na pupuntahan ang nanay ko kapag may oras siya. Hindi ko man iyon hiningi ay ipinagpapasalamat ko padin ang malasakit niya sa aming mag-ina.



Bukod kay Eliziah nagsabi din si Molly na may private nurse na titingin at magbabantay sa nanay ko ng palihim.



"Sige na Ma, aalis na po ako....mag-ingat po kayo — Zorro baby, alagaan mo muna si mama habang wala ako ah."
Paalam ko ulit sa ina bago binalingan ang aso kong tumahol pa na animo'y naiintindihan ako.


Hindi na ako nagpahatid sa kanila at sumakay nalang ng traysikel palabas ng kanto, doon ko kasi pinakiusapan si Molly na sumundo at hindi sa mismong kalye kung saan ako nakatira — para iwas sa tsismis at baka may makakilala pa sa kanya.




"Manong dito na lang po."
Sabi ko sa driver at bumaba na pagkatapos magbayad.
Nagpalingon-lingon ako at naghahanap ng senyales na nandito na ang babae, maya-maya ay isang tunog ng busina ang tumawag sa atensiyon ko.



Isang itim na van ang nakita ko, at ng matitigan ko ng husto kung anong klaseng sasakyan ang susundo sa'kin ay halos mapanganga ako sa pagkamangha.

Isa iyong armored van.
Black Mercedes—Benz Sprinter Gepanzerter VIP Van.


Woah!


Ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa buong buhay ko. Maski nga ang dati kong amo na sina Sir Roland at si Luis ay hindi ko nakitaan ng ganito kagarbong sasakyan.



Gaano ba kayaman ang isang 'to?



Mula sa unahan ng sasakyan ay lumabas ang isang lalaking naka-suit at kinuha ang gamit ko at siya na mismong nagdala sa loob ng sasakyan — pagtingin ko sa loob ay naroon ang babaeng nakahalukipkip at nakasuot ng shades at nakadikwatro pa.



"What are you waiting for? Get in."
Sabi lang nito sa sa'kin.



Ang sungit ah!
Wala sa mood ang ate girl! Bakit kaya?



BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon