Chapter 32

289 8 1
                                    

VAST

(Few months after.....)

'ENJOY YOUR LAST DAYS ALIVE,
MRS. DEL LUNA
MOLLY IS MINE'

Ilang buwan na ang nakalilipas ng matanggap ko ang sobre na naglalaman ng papel na mukhang dugo pa ang ipinangsulat ngunit hindi ko pa rin alam kung kanino iyon galing.
Hindi rin lingid sa aking kaalaman ang tila pagmamatyag ng kung sino sa akin, ano man ang sadya nito ay hindi ko alam at hindi ko alam kung paano malalaman.

Sa sobrang dami ko kasing ginagawa ay hindi ko na prayoridad ang ibang bagay bukod sa unibersidad na kasalukuyang nasa pamamahala ko.

ISANG TAON AT ANIM NA BUWAN AT DALAWANG LINGGO.
Halos pitong buwan ng lampas sa napag-usapang kontrata ngunit heto parin ako at kasal pa rin sa arkitektong si Molly Del Luna. Oo, nabalewala na ng tuluyan ng diborsiyo na binabalak ko dapat gawin 'pagkat hindi kinaya ng konsiyensiya ko na talikuran sila sa gitna ng pagsubok na 'yon.

Mabuti na nga lang at maayos na si Molly ngayon, naibalik na ang halos lahat ng alaala niya maliban sa pangyayari noon mismong araw ng aksidente niya pati na rin ang ilang pangyayari bago ang araw na iyon kaya maging sa kasalukuyan ay wala paring ideya  ang mga awtoridad sa may sala, subalit hindi naman sila humihinto sa pag-iimbestiga.

Animo'y walang nangyaring problema dahil maayos itong nakabalik sa trabaho niya. Nagtatrabaho na ulit siya sa Hadassah Architectural Firm at maayos na pinamamahalaan iyon. Ang naiba nga lang ay maski ako ay katuwang na ngayon sa mga negosyo nila.

Sa akin na ipinagkatiwala ni Dad ang Hadassah University, lahat ng desisyon patungkol doon ay ako na ang bahala— nagsimula iyon noong matapos ko ang ika-apat na taon sa kolehiyo.
Diba? Kakaiba ang naging graduation gift ni Dad sa akin, trabaho agad. Kaya naman kahit medyo nakakapagod ay isinasabay ko pa rin ang trabaho sa pag-aaral ko ng Masteral.

Maging sa ibang mga negosyong mga Del Luna ay naka-alalay parin ako kahit pa si Molly  na ang namamahala sa mga ito at hindi na ang ama niya na ngayon ay nagdesisyong magretiro na lang at i-enjoy ang buhay.

'Yon nga lang ay madalas kaming napagdiskitahan ng biyenan ko dahil halos araw-araw na lang nila kami kulitin patungkol sa pagkakaroon ng anak. Hindi nga lang si Dad ang nangungulit kundi pati na rin ang ina ko na panay ang send ng mga picture at video ng mga cute na sanggol na nakikita niya online.

Isang beses nga ay may post pa ito na naka-tag sa'kin.  Sa nasabing post ay naroon ang simpleng text na may nakalagay na "My baby is now having a baby♥️'' in-upload iyon ng sikat na beteranang aktres dahil ang panganay nitong babae ay magiging 'mommy' na din.
Bukod sa naka-share iyon sa kanya ay naka-tag pa iyon sa akin at may caption pa na "When kaya?" tapos may thinking emoji pa na kasama. Diba? nakakaloka! dapat hindi nagbababad sa cellphone ang isang 'yon eh.
Kung ano-ano tuloy ang nalalaman, maski nga   iyong video sharing app na Tiktok ay talaga namang sinusundan ng nanay ko.

'Kasalan kasi ni Eli kung bakit natuto ng Tiktok ang nanay ko!'

Madalas ay nagpapalusot na lang ako pag tinatanong tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Sa totoo kasi niyan ay hindi rin ako sigurado doon, hindi namin napag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak o maski na ang kontrata namin na himalang naalala ng asawa ko.


Isa pa, aaminin ko naman na bukod sa konsiyensiya ay nangingibabaw pa rin ang feelings ko para sa arkitekto. Kahit papaano naman kasi ay naging maayos naman ang relasyon namin kahit papano kaya hindi ko rin siya kayang iwanan.
Lalo pa ngayon at nag-aalala ako para sa kaligtasan namin dahil na rin sa natatanggap kong threats.


BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon