VAST
Pasado alas nuwebe na siguro ako nagising kinabukasan, pagbangon ko ay talaga namang nakakapanibago ang paligid.
Sa kabila ng karangyaan ng silid kung saan ako naroon ay ang hindi ko maipaliwanag na lungkot, siguro ay dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.Eli Calling.....
"Hello."
("Calliope~ miss na kita agad, friend.")
Pagdadrama nito sa kabilang linya."Ewan ko sa'yo, kung maka-emote ka naman ay daig ko pa yung nag-OFW."
("Eehhhh~ kasi naman ang boring ng klase ko, mas gusto ko mag-mall kaya lang wala akong kasama.")
Sabi ko na eh.
Inaatake na naman ng katamaran ang kaibigan ko, mabuti na lamang at may angking talino ito kahit pa may pagka-tamad ng konti kaya nakakapasa parin.Inilapag ko muna ang telepono sa nightstand at saka inilagay sa 'speaker mode' para naman makabangon na at makapag tiklop na ng higaan ko.
Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa banyo para naman makapag-ayos na ako ng sarili at makapaghanda ng almusal.
(" Calliope, kamusta ang first day mo d'yan— bilang alam mo na, buhay may-asawa.")
Pag-uusisa ng babae sa'kin at dahil hindi naman titigil ito ay sinagot ko nalang ang tanong niya."Walang bago."
Nagkwentuhan muna kami saglit bago ko tuluyang ibinaba ang telepono.
Pagdating ko sa kusina ay isang note na nakadikit sa ref ang nakita ko.I'm going home late.
Make yourself at home.-Molly
Iyon lang ang nakasulat sa papel na iyon, ang ibig sabihin ay ako lang ang tao sa bahay na ito sa buong maghapon.
Napalibot tuloy ako ng paningin sa buong bahay, ang ganda at halatang pang-mayaman ang itsura ng dekorasyon at muwebles sa loob ng bahay.Dahil ako lang naman mag-isa ay nagluto na lang ako ng tortang talong at sinangag ang natirang kanin kagabi, pagkatapos ay nagtimpla nalang ako ng kape para kumpleto na ang pagkain ko.
Hindi uso sa'kin ang almusal na tinapay lang o kaya ay kape lang— hindi ako nabubusog.Isa pa, naisip kong maglinis na din ng kaunti at mag-asikaso ng bahay para naman may magawa ako buong araw. Hindi na naman namin kailangan ng kasambahay sa totoo lang, kaya ko naman gawin ang lahat dito sa bahay pero sa huli ay si Molly parin ang masusunod.
'1 message received.'
Sino kaya ito?
Agad kong tiningnan ang mensahe na natanggap at halos mapatalon ako sa tuwa ng mabasa iyon.
The subject line read:
'Interview Request for Potential Talent.'OMG!
Isa lamang iyon sa mga kumpanyang sinubukan ko applyan, aminado naman ako na nag-aalangan ako magpasa ng requirements at sumubok ay dahil sa tingin ko ay hindi sapat ang napag-aralan ko.
I was, after all, an undergraduate in business administration. Pero wala din namang mawawala kung susubukan ko.To my surprise, the company representative was receptive and invited me for an interview. Despite my nerves, I knew that this was an opportunity she could not pass up.
![](https://img.wattpad.com/cover/363492982-288-k489783.jpg)
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...