VASTNEW YEAR'S EVE.
Kasalukuyan akong ginugulo ni Eliziah na nandito ngayon sa bahay—este mansyon ng mga Del Luna. Inimbitahan siya ni Molly na makisabay na sa'min na magdiwang ng bisperas ng bagong taon, 'di lang siya pati si Eunice ay pinasundo na din namin para makasama na din.
Nandito kami sa theater room nila, dito pinili ng magaling kong kaibigan na magpalipas ng oras. Abala ito sa panunuod ng mga horror movies, hindi lang iyon dahil nagpahanda pa ito ng snacks at drinks sa mga tauhan na narito ngayon.'Feel at home ang gaga!'
"Parang may mali eh, may dapat akong malaman eh.....may kutob ako pero hindi ako sigurado eh—hmm?"
Sabi pa nito na pinaningkitan pa ako ng mata at hinawakan ang baba na akala mo ay yung detective sa anime na pinapanood niya dati."Bakit?"
"May iba sa'yo....nararamdaman ko eh."
Lalo pang nakunot ang noo nito at lumapit sa'kin at pabiro akong inamoy-amoy.Nagsunod-sunod ang pagkurap ng mga mata ko at pagkabog ng dibdib ko. Bigla din akong napaiwas ng tingin sa kausap at nagkunwaring nanunuod ng pelikula.
"A—anong sinasabi m—mo?"
Imbes na sumagot ay tinitigan ako nito ng mabuti at pagkatapos ay humalakhak na parang ewan sabay palakpak pa.
'Tss...baliw'
"Ikaw ah....wala pang alas dose pero naputukan ka na! HAHAHAHAHA!!!!"
Malakas na ani nito sabay hawi sa kwelyo ng t-shirt na suot ko kaya lumitaw ang mga markang kanina ko pa tinatago sa kanya."ANO?!!"
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae pati na rin ang pag-iinit ng pisngi ko, siguradong mapula pa ako sa kamatis ngayon."T—tumahamik ka na nga! Kung ano-ano pinagsasabi mo."
Sabi ko at pilit na pino-focus ang sarili sa pelikulang kanina ko pa hindi maintindihan ang takbo ng istorya."Asus!!! ang baby ko hindi na virgin sa wakas! Hahahaha.....tapos na ang 'dry season', Mabuhay!"
Napanganga nalang ako sa mga naririnig ko sa kanya, mabuti na lamang at kami lang ang nandito at walang ibang makakarinig.
"Shhh!— Oo na,manahimik ka na!"
Sabi ko na lang at pinipilit awatin ang bunganga nito na ang sarap pasakan ng maraming popcorn."It looks like you too are having fun here."
Sabi ng panibagong tinig ng bagong dating.
Sabi ng arkitekto at walang anu-ano'y lumapit pa sa akin at humalik sa pisngi ko na labis kong ikinagulat dahil hindi niya iyon basta ginagawa dati.Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko pa ang mapanuksong ngiti ni Eli na tila nagsasabing 'I knew it' at may pataas-taas pa ng kilay.
"If you need anything, feel free to ask Manang Cely and the others here."
Tukoy nito sa isa sa mga kasambahay na nandito ngayon."Thank you, ang bait mo naman sister-in-law."
Pang-aasar pa nito sa'min ikinairap ko habang itong isa ay mahinang tumawa lang."Sister-in-law ka d'yan, di naman kita kapatid."
Asik ko nalang."Oh, come on! We may not be sisters by blood but by heart, my baby Vast."
Sasagot pa sana ako pero naudlot iyon ng may tumawag kay Molly kaya nagpaalam na siya sa akin at nagsabing may importanteng aasikasuhin kaya lumabas na. Nagbilin pa nga ito na 'wag mahiya at magsabi na lang kung may kailangan.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...