Chapter 3

422 8 0
                                    


VAST


( FEW YEARS AGO...)



ISANG malakas na tunog ng sirena ang umalingawngaw sa buong lugar, napahinto ang lahat sa pagkilos at pinakinggan ang tunog. Isa lang ang ibig sabihin noon — alas singko na, at oras na para umuwi.





Kasalukuyan akong nandito sa isang garment factory at nagtatrabaho bilang mananahi. Ako, kasama ng marami pang tauhan ang umaasa ng ikabubuhay sa malawak na pabrikang ito.
Nagkanya-kanya na ng ligpit ang bawat mesa.





Tatlong beses kung tumunog sa isang araw ang sirena na iyon— alas otso sa umaga, alas dose sa tanghali at alas-singko sa hapon.
Maging ako ay nagligpit na din ng gamit.




Pabrika ng isang sikat na t-shirt company ang pinagtatrabahuhan ko, magmula ng matigil ako sa pag-aaral ay dito na ako nagtrabaho.
Minimum naman ang kita at kumpleto sa benefits and incentives kaya naman kahit papaano ay sumasapat naman sa pang araw-araw.




Nasa ika-huling taon na dapat ako sa kolehiyo sa kursong Business Administration, kaya lang ng magkasakit ang aking ina ay napilitan akong tumigil sa pag-aaral at maging breadwinner ng pamilya. Ako at ang ina na lang kasi na may sakit sa puso ang magkasama kaya kapag umalis ako ay walang mag-aasikaso sa kanya, kaya pinagtatiyagaan ko ang kita sa pabrika.






Per process kasi ang trabaho namin dito
(job - by - job kumbaga) may nagtatabas ng tela, may gumagawa ng manggas, may ang nag-a-attach ng collar sa body ng t-shirt at ako naman na edging ang proseso— ito yung paraan para mabuo na ang damit bago ang pinakahuling step, which is yung pagtiklop ng laylayan.





Pagkatapos noon dumadaan sa printing ang t-shirt bago ang packaging. Aminado akong nakakapagod at nakakangalay ang trabahong ito, pero mas mabuti na ito kaysa wala kaming maipambili ng pagkain.





Lumabas na din ako ng pabrika at nagpaalam sa mga kasamahan bago sumakay ng traysikel pauwi— trenta pesos na pamasahe ang ibinayad ko ky manong ng makarating na kami sa tapat ng bahay namin.




Isang simpleng apartment lang ang tinutuluyan namin ni Mama, may lumang sofa, isang lumang tv sa sala na hindi ko alam kung bakit ayaw pang itapon ng mama kahit na de-pukpok na para gumana— ayaw n'ya pa iyong itapon kahit pa mayroon namang maliit na flatscreen tv.

Kapag wala ako sa bahay ay si mama at si Zorro lang ang naiiwan— si Zorro ay isang half-breed na Golden Retriever na nabili ko nung araw ng palengke sa bayan, mayroon kasing parang bangketa—style na bilihan ng mga pets dito sa'min kaya lang minsan...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag wala ako sa bahay ay si mama at si Zorro lang ang naiiwan— si Zorro ay isang half-breed na Golden Retriever na nabili ko nung araw ng palengke sa bayan, mayroon kasing parang bangketa—style na bilihan ng mga pets dito sa'min kaya lang minsan lang kada taon mangyari iyon.





Katulad ng ibang pets ay dinadala ko naman iyan sa kakilala kong beterinaryo kaya alaga naman 'yan. Nilapitan ako ng aso na walang humpay sa pagkaway ang buntot na animo'y tuwang-tuwa sa pagdating ko.





BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon