VAST
(2 YEARS LATER....)
Sa harapan mismo ng isang magarang gusali ko ipinarada ang aking bagong sasakyan.
Isang bagong-bago na Bugatti Tourbillion na sa ibang bansa ko pa mismo binili.Matapos ko ito swabeng ipinarada ay lumabas na ako ng kotse at dumiretso sa loob. Pagpasok ko pa lang ng gusali ay napapansin ko na ang pagkataranta sa lahat ng mga empleyado na nakikita ko doon kaya dali-dali silang nagsi-balik sa trabaho.
Tipid na ngiti lang ang isinusukli ko sa bawat taong bumabati sa akin. Taas-noo kong tinungo ang elevator na nakatakda para lamang sa mga VIPs.
Pinindot ko ang top floor kung nasaan ang opisina ko.Paglabas ko pa lang ng elevator ay sinalubong na ako agad ni Helen, ang executive assistant ko at pagkatapos ay inisa-isa ng schedule ko sa buong araw.
"Good morning, Miss Vast."
"What's my schedule for today, Helen?"
Tanong ko habang tinatahak ang hallway."We have a very tight schedule, Miss. You have a board meeting in 15 minutes, a virtual meeting with an international client, a lunch meeting with the owners of the Del Lucas land in the province, and dinner —"
"Stop."
Nagulat pa ito ng ikinumpas ko ang kamay ko para patigilin ang babae."Did you say dinner? I have a schedule for dinner? Tell me what it is."
Pakiramdam ko ay mabubugbog ang katawan ko sa buong maghapong ito, schedule ko pa lang ito dito sa Hallie Clothing at di pa kasama ang trabaho ko sa university.'Mukhang kailangan ko ng maraming energy drink'
Sabi ko sa isip dahil bumungad sa akin ang tambak ng papel sa mesa ko pagpasok ko sa opisina ko."Family dinner, miss."
Sabi nito kaya napahinto ako at napangiti."Finally! You said something that I'll look forward to."
Nae-excite kong sabi sa sekretarya ko at sandaling umupo at kinuha ang mga kakailanganin para sa meeting ko na magaganap ilang minuto na lang mula ngayon.Pagod na pagod ako ng matapos ko ang magkasunod na meeting yung isa ay kasama ang board at yung isa naman ay via online video conference dahil hindi nagtutugma ang schedule namin ngayong buwan, nagkasundo naman kaming magkita ng personal sa oras na mabakante ako na pinayagan naman niya.
LUNCH MEETING WITH THE DE LUCAS.
Ang pamilyang ito ang kasalukuyang nagmamay-ari ng lupaing nais kong pagtayuan ng bagong establisyemento para sa Hallie Clothing. Sa nakalipas kasi na taon ay patuloy ang paglago ng kumpanya kaya kailangan pa namin palawakin ang produksyon. Mas magandang oportunidad naman ang hatid nito para sa mga nagnanais magkaroon ng trabaho.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomansaWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...