Chapter 38

115 3 0
                                    

VAST

Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho paalis sa lugar na iyon.
Hindi ko maintindihan!
Parang libo-libong karayom ang tumusok sa puso sa nasaksihan.

Sa loob ng ilang taong pagsasama namin ay inakala kong nagbago na ang babae.
Pero mali pala ako.
Mukhang hinding-hindi na yata maaalis sa sistema ng babae ang pagiging mapaglaro.

Nagbalik sa alaala ko ang itsura nila ng babaeng walang saplot at malaya na nakayakap sa katawan ng asawa ko.

I thought what we had was special.

Mariing napapikit ko sa naisip.
Tangina!
Ni hindi ko kayang tingnan ang babae dahil nasasaktan ako.
Ni hindi masikmura ang magtagal pa doon maski isang minuto.


Arch Wifey Calling.....
'Yon ang nabasa kong nakasulat sa screen na nasa passenger seat.
Imbes na sagutin ay pinatay ko ng tuluyan ang tawag.

Ayoko siyang kausap.
Dahil sa nangyari ay hindi ko tuloy lubusang maisip kung saan ako nagkamali.

May mali ba sa'kin?
May kulang ba sa'kin?

Saka ako napaisip ng mabuti, napangisi ako ng maisip ko kung bakit n'ya ko niloko.
Isa lang ang sa tingin kong dahilan.
Hindi ko siya kayang paligayahin sa kama.

I can't satisfy her, maybe I'm not that great in bed.

Alam ko ang kwento sa likod ng kabi-kabilang relasyon niya sa mga babae, marahil ay hindi ako ganon kagaling para sa kanya.
Magkaiba kasi kami—siya ang nakauna sa'kin at siya rin ng inakala kong huli.

Kahit nanlalabo ang paningin ko ay pinilit kong magmaneho ng maayos.
Mabuti na nga lang at walang gaanong tao sa daang tinatahak ko ngayon.


Arch Wifey Calling....

'Decline'


Dahil sa hindi ko ulit sinagot ang tawag ay nagsunod-sunod ang pag-tunog ng message alert tone ko—Si Molly, walang lubay na nagte-text sa'kin.

Para makalimutan ang nangyari ay binuksan ko ang radyo pero parang nakikisabay sa pag-e-emote ko ang tugtog.

Reckless
by Madison Beer

Hey, this is a story I hate
And telling it might make me break
But I'll tell it anyway
This chapter's about
How you said there was nobody else
Then you got up and went to her house
You guys always left me out

Nagbalik sa isipan ko ang unang beses na nagkita kami sa bar noong inaya ako ni Eli noon. Naalala ko na napakaganda at kapansin-pansin siya noong mga oras na iyon.
Ang maganda niyang mata,
Ang matangos niyang ilong
at ang labi niya.

Naka-ukit sa isipan ko ang perpekto nitong mukha.

I still have the letter you wrote
When you told me that I was the only girl
You'd ever want in your life
I guess my friends were right

Akala ko ay iyon na ang huling beses na magkikita kami, ngunit nagkamali ako.
Sa sumunod na pagkikita ay hindi ko lang siya  basta nakita—nakausap pa.
Iyon iyong araw na nilapitan ako ng babae at kinausap pero may haliparot na umagaw ng atensyon niya.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon