VAST
"Here's your order ma'am."
Sabi ng crew sa akin at inabot ang order kong sandwich at cappuccino."Thank you."
Sabi ko na lang at pagkatapos ay tiningnan ang wristwatch ko.'Nasaan na s'ya?'
Dito kasi sa coffee shop na 'to namin pinagusapan na magkikita kami.Maya-maya pa ay nakita ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nakita kong nakarehistro ang pangalan ng babae sa screen kaya naman agad ko itong sinagot.
("I'm here.")
Sabi lang nito at kasabay noon ay nakita ko ang pagpasok ng magandang arkitekto sa loob ng kapihan, animo isang artista ang pumasok at di magkamayaw sa paglingon at paghabol ng tingin sa babae ang mga customer na nasa loob babae man o lalaki.Patingin-tingin ang babae na tila ba may hinahanap.
"Dulong lamesa sa kaliwa mo."
Sabi ko na lang at ng lumingon ito sa kung saan ako nandon, ako naman ay itinaas ko ang kamay ko para mas makasigurado na napansin na niya ako."Sorry I'm late."
Sabi nito habang inaayos ang pagkakaupo sa silya."Okay lang, medyo kadarating ko lang din. Ay, nauna na din pala ako mag-order, sorry."
Pero imbes na sumagot ay tipid na ngumiti lang ito at tumango.Hindi alintana ng babae ang kabi-kabilang pagkuha ng larawan niya, tila wala siyang pakialam sa mga ito. Kaya naman ako na ang naunang magsalita.
"Uhh— about the article—."
Pagsisimula ko na hindi alam kung ano ba ang dapat sabihin, dapat ko bang tanungin kung paanong naging 'engaged' ang nakalagay doon ay kung kanino at saan nagsimula ang lahat-lahat ng iyon."Yeah, about that — I'm sorry, hindi ko sinasadya na malagay ka pasa gulo.
Hindi ko naman alam na ganun pala yung mangyayari."
Hinging paumanhin nito sa akin."Ano ba kasing nangyari? Paanong kumalat yung picture natin?"
Tanong ko, sa aming dalawa kasi ay siya ang mas may kakayahang alamin ang katotohanan sa likod ng kumalat na article."I didn't even realize that a showbiz writer would be covering what I did in the bar—how
I introduced you as my girlfriend to that guy."
Nakayuko pa ito habang nagpapaliwanag.Wala na akong magagawa kung kumalat man ang litrato naming magkasama, mahirap na mabura iyon dahil iba na ang teknolohiya ngayon. Kaya lang ang iniisip ko ay kung paano namin maaayos ang tsismis tungkol sa 'relasyon' kuno namin.
"What are you planning to do now?"
Tanong ko sa kanya, baka kasi may naisip na siyang paraan para matuldukan na ang isyu."I d—don't know, maybe just go with it."
Sabi nito na nagpagulat sa'kin.
Anong sinasabi nito? adik ba siya?"Ano? Hibang ka ba?! Ni hindi nga kita kilala tapos kakalat sa buong bansa na girlfriend kita. Baka mamaya n'yan awayin pa ko nung mga babae mo."
Napatayo pa ako sa gulat kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao."I don't have a girlfriend."
Simpleng sabi lang nito at tumawag ng isang crew para kuhanin ang order niya."Weh?"
Sus! maniwala ako dito, eh maya't-maya siyang nakukuhanan ng picture na may kasamang kung sino-sino minsan may model, may artista, beauty queen at kung ano-ano pa.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
Любовные романыWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...