Chapter 26

91 6 0
                                    

VAST

("ANONG SINABI MO? TOTOO BA LAHAT NG IYAN?!")
Kausap ko ngayon si Eli sa cellphone, kasalukuyan akong nandito sa Hidden Cabin's Resort. Dito ako dinala ng mahabang pagmamaneho palayo sa penthouse ni Molly.



"O—oo, n—narinig ko mismo nung sinabi iyon."
Sagot ko habang pinipigilan ang sariling umiyak dahil paniguradong makikita niya ako.
Nakatago nga ang kalahati ng mukha ko sa screen at  halos i-off ko nga ang camera, kaya lang mapilit ang isang 'to kausap at hayaan ko lang daw na nakabukas ang camera ko para nakikita n'ya daw ang paligid ko.



("Papunta na ko d'yan...'wag kang aalis please lang, hintayin mo 'ko.")
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakita ko ang magulong screen—paniguradong nagmamadali ang kausap ko para mag-ayos at makarating sa kung nasaan ako.





Hinayaan ko lang siya, wala akong lakas para
makipag-asaran sa kanya. Magmula sa veranda kung nasaan ako ay bumalik ako sa silid at nagdesisyong ibagsak ang sarili sa kama.
Ramdam ko ang matinding pagod sa katawan.
Dinampot ko muli ang cellphone at tinapos na ang tawag, nagpadala nalang ako ng mensahe kung anong room number ko para dito na siya dumiretso.



Parang tanga!


Napatingin ako sa kisame at kasabay noon ay ang mga luhang nag-uunahan na naman sa pagpatak—pucha!
Sa kagustuhan kong kalimutan ang nangyari ay nagdesisyon nalang ako magpatugtog ngunit maski yata ang radyo ay hindi nakaayon sa akin.


PANO
by Zack Tabudlo

Oh giliw naririnig mo ba
Ang yong sarili
Nakakabaliw lumalabas
Sa yong bibig
Alam kong uto uto ako
Alam ko na marupok
Tao lang din naman
Kasi ako

Lintek!
'Nakikisabay sa pagdadrama ko.'

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari ilang oras palang ang nakararaan.




FLASHBACK

Kasalukuyan akong nasa elevator, paakyat sa penthouse kung saan paniguradong naroon ang asawa ko. Hindi ko maialis ang ngiti sa labi ko ngayon, ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Yung pakiramdam na excited akong umuwi sa bahay dahil alam kong magkikita ulit kami.




Corny?
Pero totoo.



Walang pagsidlan ang ngiti ko ng marinig ko ang tunog—senyales na nakarating na ako sa pinakamataas na palapag ng gusali.
Mabilis akong lumabas doon at nagmamadaling tinahak ang daan papunta sa pintuan — I was home. After a tiring day of work, I was back in the comfort of our shared haven.


Pagpasok ko palang ay inaasahan ko na makikita ko ang babae sa living room, kadalasan kasi ay dito niya pinipiling ituloy ang iba niyang trabaho.



But something wasn't right. The air hung thick with a tension I hadn't felt before.

Bakit ganon? Nakaramdam ako ng pagtataka, tiningnan kong muli ang cellphone upang balikan ang mensaheng kanina lang ay ipinadala niya.


BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon