Chapter 21

102 5 0
                                    

VAST


Siraulo!
Pasimple ko na lang sinipa ang babae dahil sa sinabi n'ya sa mga magulang namin.
Maghihiwalay din naman kami kaya imposible  talaga ang gusto ng tatay niya na magka-apo.



Pero kung iisipin, marami naman nga pala siyang babae kaya dun siya humanap ng magiging nanay ng anak niya.


Mabuti naman at nalipat na sa kung saan ang usapan ng nanay ko at ng daddy ni Molly na animo'y matagal ng magkakilala kung mag-usap — damang-dama na mag-balae sila, hahaha!



Matapos ang kainan ay nagboluntaryo ang ama ko na ipasyal ang nanay ko sa buong bahay nila, hindi na ako sumama dahil panigurado na sasakit ang paa ko sa tour. Isa pa, naki-usap ang ginoo na kuwentuhan siya ng nanay ko tungkol sa 'kabataan' ko daw dahil interesado daw siya doon.


Bago sila magsimula sa 'tour' nila ay binigyan ko ng makahulugang tingin ang nanay ko na sa tingin ko ay naintindihan niya naman. Nabanggit ko kasi sa ina ko na walang-alam ang tatay ni Molly sa naging kontrata namin, kaya mag-ingat siya sa pagsasalita.



"Come with me."
Sabi ng katabi ko na kinuha pa ng kamay ko ngunit maya-maya ay kumunot ang noo.


"Why aren't you wearing your ring?"
Tukoy nito sa singsing na kasama nung regalo na ibinigay niya nung nakaraan.
Isa iyong Bifre Ring na mula sa isang sikat
na jewelry brand sa Cebu.
Bukod pa sa singsing ay may kasama pa itong  kwintas na suot ko ngayon at sa tingin ko ay personalized  ito dahil hindi ko nakita ang ganoong disenyo sa website ng store nila.
Mistulang compass ang pendant ng white gold necklace na iyon na may diamond pang design.

Mistulang compass ang pendant ng white gold necklace na iyon na may diamond pang design

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah—eh, a-ano natakot akong baka mawala ko ang mahal pa naman nun....kaya ayun nasa bag ko lang."
Nahihiyang sabi ko sa kanya, totoo naman kasi eh— kalahating milyon ang halaga ng singsing at natatakot ako na baka mawala ko o kaya ay manakaw sa akin.


Napailing lang ito sa explanation 'ko, maya-maya ay nagsalita.


"Look, you should wear it.....You are my wife, and we need a real wedding ring, not that ring that you found online."



Tumango nalang ako sa sinabi nito, yung singsing na ginamit namin noong 'kasal' namin ay yung Silver 92.5 nabili ko lang online. Naalala ko pa na ayaw niya isuot 'yon dahil mumurahin daw—eh siya nga itong hindi naisipan ang maghanap ng singsing namin.
Kaya ayun, isinuot niya nung seremonya at hinubad niya din pagkatapos, kung tinapon n'ya o hindi ay di ko na alam at di ko na tinanong pa.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon