VAST
DEL LUNA TOWERS.
Bukas na yata dadating ang tatay ni Molly para bumisita, masyadong abala ang ginoo sa dami ng mga inaasikaso sa negosyo pero sa pagkakaalam ko ay kaninang umaga pa dumating ang private plane nila dito sa bansa.
Kaya naman nandito parin ako, dumaan lang ako saglit sa bahay ko para kumuha ng ilan pang gamit para sa pananatili ko dito sa unit ni Molly.
Sa totoo lang ay medyo nakakapagod ang halos kalahating oras na biyahe magmula sa pinagtatrabahuhan ko papunta dito pero wala akong magagawa, hindi kasi ako pumayag ng sabihin ni Molly na ikukuha niya ako ng sasakyan o kaya ng personal driver.
Siguradong pagdating ko sa taas ay magluluto pa ako ng dinner - gusto ng pumikit ng mata ko sa sobrang pagod dahil sa dami ng damit na tinahi ko sa maghapon.
Nasa harapan na ako sa VIP elevator ng makita ko ang isang pamilyar na mukha mula sa repleksyon pintuan ng elevator.
Anong ginagawa nito dito?
Genevieve, with her impeccable grace and effortless charm, walks confidently towards the same elevator.
Dito ba siya nakatira? May kakilala ba siya dito?
Hindi niya ako pwedeng makita dito!
Ang una kong naisip na gawin ay magtago dahil unang-una, paniguradong magtataka ang babae pag nakita niya na ang isa sa mga empleyado niya ay tumutuloy sa penthouse ng isang high class na building.Agad akong lumiko ng direksyon para hindi kami magkita kaya lang sa kamalas-malasan lang ay lumingon ang babae sa gawi ko bago pa man ako makaalis ng tuluyan.
Shit!
AND THEN SHE SAW ME.Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito ng makita ako, at hindi lang iyon lalo akong nanigas ng unti-unti itong lumapit papunta sa direksyon ko.
Nawala sa isip ko kung gaano kaganda ng babae sa suot na kulay krema na long-sleeve polo at kulay abo na pants. Ang buhok pa nito ay nakaayos lang na ponytail at nakasuot ng heels na ang bawat tunog ng paghakbang ay nagpapakaba sa'kin.
My heart sank. I had been hoping to avoid her, to keep my private life separate from my professional one. To me, Genevieve was a figure of authority - But now, I was stuck in this hallway, with nowhere to run.
Napaatras ako ng makitang ilang hakbang nalang ang babae mula sa kinatatayuan ko.
She stopped, her gaze narrowing.''Vast?''
Wala na akong lusot kundi ang ngumiti sa harapan ng amo ko.I literally froze, my breath catching in my throat. That's when I knew I couldn't hide. There was nowhere to run, nowhere to escape the piercing gaze of my pretty boss.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...