Chapter 18

95 5 0
                                    

AN:
Hi guys!
Secret muna ang nangyari nung gabi
na bumalik si Vast sa penthouse na may
sakit, tanungin ko muna si Molly.
Ayaw pa sabihin eh.
Hehe.

❤️❤️❤️

°°°

VAST




99 DAYS BEFORE CHRISTMAS.





Wala na akong naririnig kung hindi ang kabi-kabilang plano tungkol sa kung saan nila ipagdiriwang ang nalalapit na holiday season.
Like duh? matagal-tagal pa naman at isa pa paulit-ulit din na pinapatugtog ang walang kamatayang 'Christmas in our hearts' at 'All I want for Christmas is You' pati na din ang mga sikat na christmas station ID ng TV Networks.



Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit aligaga ang lahat ngayon dito sa kumpanya.



"Vast, kailangan na daw matapos yung damit na ipinagawa ni Miss Genevieve."
Sabi ng isa sa mga kasamahan ko na tinanguan ko lang.



"Oo sige...dadalhin ko mamaya, malapit na ako matapos dito sa ginagawa ko."
Sabi ko na lang at bumalik na sa trabaho.
Malapit ko ng matapos itong isa sa mga damit na ipinapagawa ng isang celebrity para sa isang charity ball.


Pagtapos ko na kasi gawin ay lalagyan na nila ng kristal na magiging 'finishing details' nitong damit.
Sa totoo niyan, ay hindi ko na alam kung pang-ilang damit ang ginagawa ko mabuti na nga lang at may pattern kaya hindi ako naiiwan at nalilito sa ginagawa ko.


Nasa ganoong kalagayan ako ng biglang tumunog ang telepono ko.

Mr. Del Luna Calling.....


Bakit kaya?
Nagtataka man ay sinagot ko ng tawag.


"Hello po—'"



("Hello, Vast, I have a favor to ask.")



"Ano po yun?"


("Would you be willing to prepare some packed lunches for Molly? She has an important meeting this afternoon and won't have time.")



Eh?
Tinawagan n'ya ako para sabihin iyan?



''Of course, sir."
Tss—ano ba 'yan?!
Bakit hindi na lang siya magpadeliver, may pambayad naman siya?



Nagpaalam ang kausap sa'kin at tinapos ng tawag habang ako naman ay nag-iisip kung magpapaalam kay Genevieve o hindi.
Kaya lang nakakahiya kay Mr. Del Luna.


Bahala na nga.



Dala ang Picnic Bag na naglalaman ng iba't-ibang pagkain ay bumaba ako sa harapan ng Hadassah Architectural Firm at hindi ko parin maiwasang mamangha. Ang ganda talaga ng building na'to — kitang-kita ang galing ng ni Molly bilang isang arkitekto sa mga disenyo ng gusaling pag-aari nila.
Nagbayad muna ako sa taxi na sinakyan ko at nagpasalamat.



Sa isip ko ay iniirapan ko ang babae, paano ba naman ay sinadya ko pang umuwi ng penthouse niya para ihanda ang lahat ng ito at pagkatapos ay dalhin sa opisina niya.
Sa kabilang banda ay mainam din na nakauwi dahil nagkaroon ako ng pagkakataong magpalit ng damit.




'Nagpaganda ka pa nga eh'
Napailing ako sa naiisip—hindi kaya!


Nakasuot ako ngayon ng Urban Outfitters Women's Navy and Orange playsuit-romper na naalala kong ibinigay pa ni Eli sa akin bilang regalo noon. Nakasuot lang din akong sailor hat at hinayaang nakalugay ang buhok ko para maitago ng konti ang mukha ko sa mga tao.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon