Chapter 14

273 5 0
                                    

VAST


"Hoy Vast, okay ka lang? kanina ka pa namumutla d'yan."
TANONG sa akin ng isa sa mga kasama ko dito sa trabaho. Ang totoo n'yan ay bumalik na ako sa pagtatrabaho para tapusin ang mga gown na gagamitin para sa fashion event, nadagdagan pa iyon dahil maraming mga celebrity ang dito nagpapagawa ng damit kaya naman abala talaga kaming lahat.





Tumango lang ako at sumagot kahit nahihirapan ako magsalita.




"O—okay lang ako."
Sagot ko sa kanya kahit hindi naman talaga, kanina pa kasi kumikirot ang kamay kung saan naroon ang sugat ko. Pinilit ko lang kasing palitan iyon ng benda kaninang umaga at pagkatapos ay nagsuot ng sweatshirt na stripe para hindi halata ang benda ko.




"Sigurado ka? mukha ka kasing maysakit tingnan mo at nanginginig ka pa."
Tanong ulit nito na tinanguan ko lang ng marahan at nagpasalamat sa concern niya.





*RING RING*
Napatingin ako sa cellphone ko ng marinig ang pagtunog nun, mukhang alam ko na kung sino ang tumatawag pero hindi naman ako umaasa.





Siya nga.





Sinagot ko naman ito kaagad—este, sinagot ko na para hindi na makaabala ng iba yung pagtunog— ganun nga.






"Ahh, Hell—"






("How are you feeling? Yung braso mo, anong nangyari? bakit kasi ang kulit mo?")
Sunod-sunod na tanong ng babae na kanina pa tawag ng tawag sa'kin.





Wala ba itong ginagawa?
Bored ba siya at ako ang naisipan niyang pampalipas-oras?





"Okay lang ako, salamat sa pagtawag pero kaya ko na 'to....sige na at baka busy ka."
Sabi ko na lang kasi hindi ko na alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakakapanibago kasi.





("Call when you're done, I'll pick you up—'')





"No need to do that—"
Pagkontra ko sa suhestiyon niya.





("Susunduin kita.")
Pagkasabi noon ay binabaan ako basta ng tawag ng babae bago pa man ako makapagsalita ulit.





Hindi na niya kailangan, magta-taxi na lang ako pauwi sa apartment. Pagkadating ko sa doon ay saka ko na lang siya ime-message.





Molly
Don't dare flee, or else....
I'll cut your mom's medication.





Binasa ko ang mensaheng pinadala niya sa'kin at ni-replyan na lang — eh di wow, walang takas!




Me
Sige, ite-text na lang kita
pagkatapos ng trabaho ko.



Naalala niya siguro ang ginawa ko kaninang umaga. Ang totoo niyan ay tinakasan ko lang ulit ang babae para makapasok dito.
Mahimbing pa kasi siyang natutulog ng umalis akong bahay. Ang tanging ginawa ko lang ay mag-iwan ng note kasama ng simpleng breakfast na suhol ko sa kanya.





Pa-thank you na din dahil naging mabait naman siya pagkatapos niya akong sermunan ng malala kagabi.






"— Internationally celebrated architect Molly Hadassah Del Luna is set to be honored for her groundbreaking work in the field of sustainable design. Del Luna, known for her innovative and aesthetically stunning structures that blend seamlessly with the natural world, will receive the prestigious Pritzker Architecture Award at the Chicago.—"

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon